Chapter 11

3.7K 77 1
                                    


Ang naiisip ko ay di ko alam ang gustong ipahiwatig ni Daniel sakin.


Layuan ko si Khalil na kaibigan ko na, for what reason?

Ayaw niya akong makitang nasasaktan? Bakit?


At niligtas pa niya ako.


I am puzzled by his words. Naguguluhan ako o nantitrip lang 'tu? Ay bahala na nga.




Bandang hapon na nung dumating si Julia sa condo ni Daniel. Ang sabi niya pinapahanap siya ng mga kaibigan ni Daniel para dalhin yung gamit ko at ng makapagpalit na. Alam din pala niya yung nangyari sakin sa cr. Kinilig pa ang bruha kasi hinatid daw siya ni Lester. Ang landi noh?




"Sana sinamahan na lang kita bes! Ayan tuloy! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh" pagmamaktol niya. Kanina pa 'tu ayaw paawat.



"Juls ang sama ko naman kung iiwasan ko yung tao eh nagmamagandang loob lang naman" sabi ko.





"Hay basta mag-iingat ka sa mga kinikilos mo nako sinasabi ko sayo" Tapos naman na akong magbihis.



"Punta na tayong school" Nagtaka naman siya.




"Ha? Hindi uuwi na tayo ako ng bahala dun sa pagsusukat" Pinigilan ko siya.




"Bes ngayon yun diba? Kaya dapat nandun ako baka di pa magkasya yung damit problema pa yun. Tsaka kung iniisip mo na balikan ako nun nandyan ka naman diba?" Nag puppy eyes naman ako. She just rolled her eyes. Di naman ako matitiis nito eh.






"Sige na nga pero wag kang mawawala sa paningin ko ha!" Tumango naman ako.






Nagpahatid kami ni Julia kay Daniel. Nung una ayaw ni Daniel na bumalik ako dun baka siguro iniisip niya na baka balikan ako nung mga bruha. Pero sa huli napapayag ko rin.






Nakarating kaming school ng matiwasay. Unang lumabas si Julia sa kotse.






"Salamat..Daniel" mababa kong sabi.






"Basta mag ingat ka lang" sabi niya sabay alis lulan ng kotse niya.





Minsan naweweirdohan ako sa lalaking yun. Pumasok na lang ako ng gate.






Pagdating namin sa gym nandun na yung mga ibang members. Nagsimula na pala silang mag sukatan. Ang cute nga nung susuotin namin eh combination ng color ng school namin which black and gold.






After namin magsukat umuwi na kami ni Julia. Medyo napagod ako ngayong araw buhat nung nangyari sakin kanina.






*






Today is thursday. 2 days na mula nung binully ako. Medyo nakarecover naman ako may kunting trauma kapag minsan magccr ako baka kasi balikan pa ako. Kaya itong Julia todo kung maka check sa cr kung may tao ba o wala tapos nakabantay pa sa labas.





2 days na din mula nung huling usap namin ni Daniel. Minsan dinadaanan niya lang ako tapos minsan seryuso pa yung mukha kapag nakikita ako. Ano bang problema ng lalaking yun? Iba sa Daniel na nakilala kong mayabang.






Ngayon nasa gym kami nagpapraktis. Half day lang kami ngayon kasi may meeting yung faculty patungkol sa incoming intramurals and school festival ng Xavier University.






Nasa gym din nag eensayo ang team nila Daniel. Nakikipagbiruan pa siya kina Lester. Bigla niyang nahagip ang paningin ko kaya napaiwas ako. Naku! Baka anong isipin nun!






"Relax lang Kath okey? Relaaaax" sabi ko sa sarili ko. Nag exhale inhale pa ako para mapakalm ang sarili ko.






"Listen up girls! Tomorrow we will have a practice. Kailangan matapos natin yung sayaw for the intramurals and maybe next week mag dress rehearsal tayo okey? So see you tomorrow bye girls!" Teacher G.






"My god! School festival is real! I can't wait!" Pagtitili ni Julia.





Oo, next month na kasi yung Intramurals and School festival namin. Next month na din yung cheerdance competition namin kaya todo praktis kami ngayon.






"Oh em! Nalimutan ko yung towel ko sa loob ng locker" Julia.






"Kunin mo na lang I'll wait here" sabi ko.





"Okey wag kang aalis okey? Sumigaw ka kapag may nangyari" Tumango na lang ako. Umalis na siya at pumunta sa locker.






Nililigpit ko na yung mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag. Habang naglalagay ako sa gamit biglang may anino akong napansin na para bang nakatayo lang sa harap ko.






"Oh halika na Julia uwi na tayo" pag-angat ko ng ulo nabigla ako sa nakita ko.





"Anong Julia ba yang sinasabi mo?" Taas kilay niyang sabi.






"Ay sorry akala ko si Julia" pagpapaumanhin ko.






"Sumama ka"






"Saan?"






"Basta.." Bigla niya akong hinila papuntang parking lot. Teka san ba ako dadalhin ng lalaking 'tu? Oh no!





*






"TOY STORE?!" Bulyaw ko.





"Ano naman ang gagawin natin dito aber?" Humalukipkip pa ako.






"Pumili ka ng mga laruan yung madami" seryuso niyang sabi. Ako nganga! Yan ang reaksyon ko. Di ko alam na mahilig pala ito sa laruan.






"Para saan?"






"Basta.." Pumasok na siya sa loob ng store. Ako naiwan sa labas habang nakatingin sa store. Seriously? -.-






Gaya ng sabi niya madami akong pinili naka tatlong cart na nga kami eh. Ang daming toys eh. Si Daniel naka cellphone lang. Di naman siya umangal sa mga pinipili ko.





Napadpad ako sa stuffed toy section. Habang tumitingin ako dun may pumukaw ng aking pansin. Nag-iisang teddy bear na may twin heart necklace. It's very simple pero kakaiba siya. Half size lang yung teddy bear parang hanggang waist ko lang ang laki. Ang lang kasi, may teddy bear na may necklace.







"Oh ano tapos kana?" Biglang sabi ni Daniel kaya napalingon ako.






"Tapos na poo.." Tinignan ko ulit yung teddy bear. Di ko mapigilan ang mapangiti.






Nagpacounter na kami ni Daniel. Grabe ilang bags kaya 'tu. Pagkatapos namin magpacounter dinatnan ako ng gutom.




Parang napansin naman ata ni Daniel kasi umingay yung tiyan ko. Kumain kami sa KFC. Kaya ayun di ko napigilan yung gutom ko. Gabi na rin kaya tapos wala pa akong dinner oh sino bang di magugutom dun?







"Dahan-dahan ka nga kumain" Daniel.






"Sorry ha gutom ako eh"






"Tss.." inikot pa niya yung mata niya. Di ko na lang siya pinansin kasi gutom ako.







"Para shan ba yang mga laruan na yan?" Tanong ko habang may laman pa rin yung bibig ko.







"Hoy! Wag ka ngang magsalita habang may laman pa yang bibig mo mabubulunan ka niyan eh" At dahil sinabi niya nagkatutuo nga! Pambihira! Agad niyang inabot sakin yung tubig at pinainom niya sakin.







"Tignan mo na!" Inabot niya sakin yung tissue.







"Thank you ha" sabi ko.

The MVP's CheerleaderWhere stories live. Discover now