Chapter 1

5 1 0
                                    

Nagmamadaling ipinarada ni Rowan any kotse n'ya sa parking lot ng unibersidad na pinapasukan n'ya. Male-late na s'ya sa kan'yang unang klase.  May long quiz s'ya ng umagang 'yon.  Hindi tumunog ang alarm clock n'ya sa tamang oras,  idagdag pa any teribleng traffic na nakapagpainit ng ulo n'ya.

She was taking up Electronics and Communications Engineering at UP Diliman.  Sa naturang unibersidad din nagtapos ang kan'yang ama, kaya iminungkahi into sa kan'ya na soon na run s'ya mag-aral.  Kahit na hindi nito gusto ang kursong kinuha n'ya at wala naman s'yang narinig na pagtutol mula rito, bagkus at sinuportahan pa s'ya nito.  Pagdating naman daw siguro ng araw na gusto na n'ya ng pamahalaan ang negisyo nila ay madali na daw n'yang matututunan iyon.

Third semestrial na ngayon at wala pang isang linggo ng lumipat s'ya sa eskwelahan na 'to. Galing pa s'yang probins'ya dahil sinasamahan n'ya sa bahay nila doon ang lolo n'ya.  Na namatay na dalawang linfgo pa lang ang nakararaan . Lolo lang n'ya ang may gusto na manatili s'ya sa probins'ya dahil ayon dito at magulo sa Maynila kaya naman ng pumanaw ito at hindi nagdalawang isip ang mga magulang n'ya na ilipat agad s'ya sa Manila.  Kung s'ya ang tatanungin ay ayos lang kahit saan s'ya as long as nakakapag-aral s'ya. 

"Oh,  shit! " she muttered to herself.  "Kailangan no ng magmadali . Sayang naman ang ni-review ko kagabi kung hindi ako bibigyan ng professor ko ng quiz. " pabulong na wika n'ya. 

Nakatingin s'ya sa kanang wristwatch bang maramdaman n'yang bumangga siya sa animo solidong bagay. At dahil sa lakas ng impact niyon ay sumadsad s'ya sa basang kalsada. 

"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?! " pakiramdam n'ya ay umaalon ang dibdib n'ya sa sobrang galit nang tumayo s'ya.

Napakurap s'ya ng ang makita niya ay isang napakatangkad at napaka-gwapong lalaki na ngayon lang n'ya nakita sa tanang buhay n'ya.

Nagmukhang maliit s'ya sa height n'yang 5 feet and eight inches kumpara sa tangkad nitong mahigit yatang anim na talampakan. 

She noticed that his raven hair needed hair cut. Ang tipo nito ang pagkakaguluhan ng mga babae. Hindi s'ya madaling masilaw sa kagwapuhan ng isang lalaki.  Pero hindi n'ya alam  kung bakit ganon na lang ang pagsusuri n'ya sa kabuuan nito.

Kung ang ibang babae ay magpapa-cute sa harap nito, siya ay hindi iyon gagawin. Hindi s'ya katulad ng ibang babae na makakita lang ng gwapo ay nagiging parang tanga na.

When she looked at his soul stirring eyes,  her anger almost disappeared.  Iyon na yata ang pinakamagandang pares ng mga matang nakita n'ya.  Parang maraming sikreto ang nakatago sa kailaliman ng mga iyon. 

Hindi n'ya alam kung saan nanggaling ang paghangang umusbong sa kan'ya para dito. It was just not a typical of her,  giving a guy's physical looks some compliments. 

"Are you through with your scrutiny? Did I pass your standards? " anang malamig at baritonong tinig na pumukaw sa kan'ya. 

"Don't get confident , Mister,  because I don't find you appealing at all! " galit na tugon n'ya rito.  Napahiya s'ya sa sinabi nito . Ano ba ang pumasok sa isip n'ya at pinakatitigan n'ya ito nang gusto na parang may crush s'ya rito?

Ayaw na ayaw pa naman n'ya sa isang taong mayabang.  Pero mukhang punong-puno ng hangin  sa katawan ang lalaking ito dahil nabiyayaan ito ng napakagwapong mukha.  Akala tuloy nito ay lahat ng babae ay mabibihag ng kagwapuhan nito. His inflated ego was just too much for her to bear. 

S'ya naman ang pinasadahan nito ng tingin.  Mukha sa kan'yang mukha pababa sa kan'yang dibdib -- kung saan nagtagal ang paningin nito -- pababa pa at naglandas uli iyon sa kan'yang kabuuan pabalik sa kan'yang mukha. 

"Don't worry you're not bad yourself either. " His eyes we're dancing with so much appreciation that caught her off guard.

Love DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon