Chapter 4

1 1 1
                                    

"O,  Rowan,  bakit mukhang mainit ang ulo mo? " tanong no Cyleen sa kan'ya.

"And you're so filthy, girl! Yucks! Did you make gulong ba to the Sunken Garden? " maarteng tanong naman no Meshylle.

Bumaling s'ya rito.  "E, kung ikaw kaya ang pagulungin ko d'on sa Sunken Garden, ha?! Ang arte arte mo,  nahahawa ka na dito kay Cyleen. "

"O,  bakit nasama ako d'yan? " angal no Cyleen.

"Tama na nga 'yan, " saway sa kanila ni KC. "Ang mabuti pa magpalit ka na ng damit, Rowan,  at baka magkasakit ka pa n'yan. " nag-aalalang sabi nito. "Saka bakit ba kasi gan'yan ang hitsura mo?! "

"Paano kasi may isang antipatikong lalaki na hindi tumitingin sa dinaraanan n'ya kaya nabangga n'ya 'ko . E,  ang kapal ng mukha kaya sinapak ko. " paliwanag n'ya rito.

She was fond of KC. Parang kapatid na ang turing niya rito. Pero close din s'ya kina Cyleen at Meshylle.  Pulls sila unica hija. Their father we're best friends . Kaya siguro naging magkakaibigan din silang apat kahit na iba't iba ang ugali nila.

Silang tatlo ay matagal nang nag-aaral dito sa UP.  Kahit noo gnasa probins'ya pa lang s'ya.  Kaya tuwing may oras s'ya ay lumuluwas s'ya ng Manila para makita ang mga ito at para na rin mabisita ang parents n'ya.

"You what?!  Nanapak ka?! You are so war freak talaga, Rowan. You're so barbaric! " hirit ni Meshylle.

Nag-react kaagad s'ya pagkarinig sa salitang barbaric. Bigla n'yang naalala ang lalaki at ang pinagsaluhan nilang halik. Parang nararamdaman pa n'ya ang labi nito habang hinahalikan s'ya. 
Marahas na ipinilig n'ya ang ulo upang alisin ang pangyayaring iyon sa kan'yang isipan.

Mabuti na lang at wala papa ang professor n'ya ng umagang iyon.  May biglaang meeting daw ito at ang ibang faculty members. May note ito na sa susunod na klase na lang magbibigay ng long quiz. Maaga tuloy s'yang nagpunta sa tambayan nilang magkakaibigan. Mula ng dumating s'ya sa Maynila ay palagi na n'yang kasama ang mga kaibigan n'ya at sila na ron ang tumutulong sa kan'ya para makapag-adjust.  Ibang iba kasi ang probins'ya sa Maynila.

"Alam n'yo ba guys na bumalik na daw si Roan." Ani no Meshylle.

"Ako?! " itinuro ko ang sarili ko.

"Hindi.  Ibang Roan.  'Yung sobrang gorgeous na top notcher dito sa school. OhMy,  si Fafa. " napailing na lang ako sa sinabi n'ya.  As always boys. Pero parang napantig ang tenga ko sa sinabi n'ya.

"Top notcher?! "

"Yup,  si Roan na ubod ng gwapo na top notcher na ubod ng kakisigan at lahat na ng ubod nasa kan'ya." Napataas ang kilay ko sa sinabi n'ya.

"Saan mo naman napulot 'yan? " tanong ni KC.

"Yon kasi 'yung topic ng mga classmate ko kanina.  My gosh, I'm dying to see fafa Roan again talaga! " nagniningning ang mga mata nito.

"Naku, namumula na naman 'Yang hasang mong babae ka.  Basta lalaki ay kumukutitap 'Yang mga mata mo." Nang-aasar na sabi n'ya rito. 

"Yeah, right.  At least ako , alam ko na I'm a girl dahil boys ang hanap ko.  E ikaw baka girls ang type mo?! " anito saka humagikhik.

"Ah, gano'n?  E, kung hindi kaya kita tulungan sa mga assignments mo? "

"Ikaw naman, Rowan, can't you take a joke? I am just making a biro lang naman to you, eh. "

"joke ba 'yun? Puwes,  hindi ka nakakatawa." Aniya habang pinandidilatan ito.

Siguro nga, ang akala ng mga Tao sa kan'ya ay is a s'yang tomboy. Mas gusto kasi n'yang magsuot ng T-shirt at pantalon dahil sa ganoon s'ya mas komportable. Unlike Meshylle and Cyleen, who always wore chic and in style dresses.

She always wore her hair short. Naaalibadbaran kasi s'ya sa mahabang buhok at wala s'yang panahon na mag-ayos. Hindi katulad nina Meshylle at Cyleen na palaging nasa uso ang gupit ng buhok na may highlights pa.  Si KC kasi ay simple lang at may pagka-manang manamit.

Sa kanilang magkakaibigan s'ya lang ang walang driver kapag pumapasok sa university.  Minsan naman ay ang Harley Davidson ay ang sinasakyan n'ya papasok.  Mahilig din s'ya sa martial arts.  Hilig din n'yang subukan ang ilan sa mga extreme sports.  Basis din sana n'yang subukan ang drag racing perk pinigilan n'ya ang kan'yang sarili dahil baka atakihin sa puso ang kan'yang ina kapag nalaman nito.  Siguro ay dahil sa kan'yang hyperactivity kaya hindi siya tumataba at nananatiling balingkinitan ang kan'yang katawan.

"Alam mo ba, Rowan, na 'yung super gorgeous na top notcher ng batch natin ay taga-ECE? Kilala mo ba s'ya? " tanong no Meshylle. 

"Bago lang ako rito ineng. At wala pa 'kong nakikilalang kapangalan ko na taga-ECE. "

"Oh, right! I forgot. Kung bakit kasi absent s'ya ng almost 2 weeks e. " sabi pa n'ya.  "Pero wala ka man lang bang nababalitaan tungkol sa kan'ya? Or have you met him personally? Or know his whereabouts? "

"Ay, ang kulit.  Wala nga! As in, wala!  At pakielam ko naman sa g'wapong 'yan? Kung gusto mo s'yang makilala h'wag mo na 'kong idamay d'yan sa pagkarengkeng mo, babae ka! " paasik na sabi n'ya rito at isinara ang libro n'ya. 

"You're so maramot, kainis ka! " humalikhip ito sabay irap.

"You're so madamot, kainis ka. " panggagaya n'ya sa kaartehan nito.

Natawa na lang sina KC at Cyleen sa panggagaya n'ya rito.

Love DilemmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon