Getting to know Alfie

2 0 3
                                    

Alfie

Maagang maaga pa lang nakapikit pa ang mga mata ko ay nagtoothbrush na ako at naligo. Araw-araw ko kayang ginagawa to for 8 years para umaga pa ako sa shop namin.
      Ako nga pala si Alfiana Eida Chua, Alfie for short. Hindi naman komplekado ang buhay ko kung ako lang pero dahil sa edad ko na 29, marami na nagpu-push talaga sa akin na magpakasal kahit alam naman nilang wala akong boyfriend. Pressured talaga dahil sa aming magkakapatid ako na lang ang wala pamilya. Nakakaloka talaga mga kamag-anak ko! Ganern! (Expression of filipinos) Ganito ako medyo kalog pero syempre nasa lugar naman.
        Sabi nila, sometimes the saddest people are the ones who smile the most daw and I guess it really applies to me. Masayahin nga ako pero dahil marami na akong pinagdaanan especially sa love, hindi ko rin maiwasang humugot paminsan-minsan. I had complicated relationships in the past which left me torn for so long. Nung highschool ako, naranasan ko ang first heartbreak ko kahit hindi naman kami. Yun yung pinakasakit yung imagination mo lang pala na kayo. May mga lalaki talaga na nagpaparamdam na gusto ka nila pero ang totoo hindi, may ibang sadya lang sila sayo. Yung bestfriend ko pala ang gusto niya.
Second relationship ko is, alam mo yung masaya talaga kayo parang perfect na pero aalis din pala. Iiwan ka kasi naaprovahan na ang scholarship niya sa ibang bansa. Masakit pero natry naman namin na mag LDR (long distance relationship) pero hindi nagwork. I had the right love at the wrong time they say.
Third relationship ko naman yung pinaka seryoso, yung feeling na eto na talaga. Binuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa kanya at tumagal naman kayo pero sa huli niloko ka lang. May third party. Talagang nakakatrauma siya. So after nito, nagfocus na lang ako sa sarili ko and sa career. Everytime na may magtatanong sa akin, wala ka pang boyfriend? Sasagutin ko, 'I'm not in a hurry', hanggang umabot na ng 6 years yung linya kung yan. Dried ovaries na yata to.
So, ito ako ngayon single but not sure if ready to mingle at 29. Wala talagang plano sa love life. Love yourself nga sabi ni Justin Bieber tama nga naman. Nagkabunga naman ang pagmamahal ko sa sarili ko dahil nakapagpatayo ako ng sarili kong negosyo. Isang wedding event stylist ako and fashion designer. Career siguro ang kapalit ng heartbreaks ko pero worth it naman. Kaya advice ko talaga sa mga nasasawi is, 'It's better to love yourself more because when you're left with nothing, all you will have is you.' Pak ganern talaga!

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon