Ang una ko talagang pinaalam sa mga kapatid ko ay si ate Eden. Siya kasi ang pinaka close ko sa lahat. Isang taon lang gap namin kaya mas nakakarelate ako sa kanya. Nagkausap naman kami sa cellphone habang nasa office ako.
"Ganun na lang? Aanak ka na lang na walang asawa?" Galit na sabi ni ate. Beast mode yata at hindi gusto ang idea ko.
"Bakit lahat ba ng anak kailangan may ama?"
"Imaginin mo na lang buhay natin pagwala si daddy kaya!"
"Ate naman, kasi nga wala na akong plano magpakasal. Deadline na kaya ako. Wala naman akong manliligaw na bet ko."
"Hoy Alfiana Eida Chua may mga manliligaw ka kaya! Na friendzone mo lang sila. Tatanda kang dalaga tandaan mo yan. Choosy mo pa!"
"Kinausap na ni Tita sila mommy okay lang naman sa kanila."
"Anyway, buhay mo yan. Ewan ko na lang. Basta piliin mo yung gwapo ha."
Natawa na lang ako sa sinabi ni Eden. Alam ko naman na papayag siya, supportive talaga siya sa akin. Ganun din ako sa kanya. The power of family nga naman.
Alam ko hindi madali ang proceso kailangan talaga ng plano. So pinapunta ko ang paborito kong tita sa office. May pinakita siya sa aking naka print na mga countries na available ang in vitro fertilization. Gusto ko talaga asian countries.
Tinuro sa akin ni tita yung papel na puro asian countries. "Alfie, eto tingnan mo yung mga bata na resulta ng in vitro."
Tiningnan ko ang mga pictures ang cute nga. Kaya yun nakapag decide ako na sa Korea na lang. Magaganda talaga ang lahi nila. Good choice daw according sa tiyahin ko kasi positive feedbacks ang natatanggap ng bansa nila sa mga ganitong proceso. Sabi nila, the best plan is no plan. Pero sa situations like this I say, 'Choosing quality is the best plan.'

BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
RomanceSi Alfie ay isang babae na feeling niya napaglipasan na siya ng panahon sa love. Dahil sa heartbreaks na naranasan ya na noon, nawalan na siya ng gana mainlove ulit kaya naging career oriented na lang siya. Pero isa sa mga number 1 goals niya ay mag...