Touchdown

1 0 0
                                        

Touchdown Korea! Pinost ko talaga sa social media yung picture ko sa labas ng airport na may dalang pink na maleta tapos naka shades pa. Bago ko gawin  to pinaalam ko na sa mga close friends ko and family ko para hindi na sila magulat paglumaki na tyan ko. Halos lahat naman sila positive ang comments, siguro dahil matanda na rin ako at kailangan na talaga magamit matres ko.
Nag libot mo na kami ni tita sa Songdo, Korea. Umaasa pa naman ako na makakakita ako ng mga Korean actors kaso wala naman sila siguro nasa Seoul. Nag enjoy na lang kami sa mga iba't-ibang local foods nila kagaya ng mga rice cakes, fish cakes at soup kimchi. Bumili din kami ng mga pasalubong at souvenirs. Maganda ang panahon, hindi masyadong mainit kaya naenjoy namin ang lakad. Pero hindi ko maitatago na kinakabahan ako sa mangyayari bukas sa pagmeet namin sa doctor na kilala naman ng tita ko. Tungkol sa procedure at check up sa health condition ko if pwede pa ba akong mabuntis. Sana naman good news.
         Pumasok na kami sa clinic ni Dra. Seo nagdiscuss siya kung paano gagawin ang in vitro fertilization. Medyo awkward nga eh kasi yun reproductive system ang topic.
          "So incase your examination will turn out fine, you can choose the man you want to", sabi ni Dra. Seo habang tinitingnan ang laptop niya.  Hinila niya sa harap ko ang ito at pinakita sa akin yung mga iba't-ibang files ng mga donators. Nanlaki mga mata ko kasi maraming gwapo. Naexcite rin naman ako syempre ikaw ba naman pag maganda ang lahi ng magiging anak mo plus points na yan.
"I can choose anyone here on your documents?" Pa inosenteng kong tanong. " Do I need to meet the man in personal too?"
"Hmm, this is confidential files. The donors I will let you select are the ones who have identity release. But it's better if this remains private. "
Sinipa ni Tita ang paa ko at ngumiti sa doctor. "No, she doesn't need to."
Nagulat naman ako kaya tiniis ko ang sakit ha. Parang may ingrown ang feeling. Natamaan yata ng cigarette heels ni Tita Cheeky.

Binuksan ko yung laptop ko para makita ang mga files ng pipiliin kung donor habang nakahiga sa kama sa hotel namin. Si tita naman ay naglalagay ng beauty products niya sa mukha at kinakausap ako. "Iha, hindi pwede na magka connection ka sa lalaki kasi nga may tendency na baka makita niya yung bata babawiin niya sayo."
Sige lang ako sa kakascan ng profiles at nakikinig sa mga payo niya. Gusto ko rin kasing piliin yung hindi lang gwapo, kundi malinis din yung background. Feeling ko talaga ina na ako dahil ang gusto mo lang yung best para sa magiging anak mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpectedly YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon