"So kailan ang kasal?," tanong ng tita ko habang nagske-sketch ako ng wedding gown para sa isa kong customer.
"Eh tita Cheeky, kailan ba magbabago tanong niyo sa akin?" Sagot ko sabay focus sa ginagawa ko. Nabibingi na ako sa mga ganyan.
Napatawa na lang siya habang iniiwasan ko ang topic. Alam ko naman na naiintindahan niya ako kasi siya mismo napaglipasan na rin ng panahon. Bakit? Kasi isa siyang doctor, sa trabaho niya na daw siya nagpakasal. May in common nga kami kaya sa lahat ng pamangkin niya ako yung parang anak anakan na niya. Kaya sa mga sawi dyan, advice ko lang pag walang love life, career life na lang muna.
May inilatag siya na papel sa ibabaw ng drawing ko. "Ayan I think I found a solution sa question mo." Sabi pa niya.
Tiningan ko ang parang makulay na brochure na may picture ng buntis na babae sa cover nito. Nagulat ako hindi ko na tiningnan ang laman. Parang alam ko na ang gusto niyang ipakita. "Tita, wala po akong plano magpabuntis kahit kanino noh."
"Alf, hindi naman sa ganun. Hindi mo kasi binasa muna. Ayaw ko na maging kagaya ka sa akin. Tumanda lang pero wala kahit anak."
"Ayoko, ayoko, ayoko! Makikipag ano ako sa hindi ko kilala para mabuntis?"
Biglang pak! Hinampas na sa'kin ng tiyahin ko ang brochure. "Alfie, you can go through in vitro pregnancy. Hindi mo kasi alam if healthy ka pa mabuntis when you'll find the right man for you. Yan yung mga ginagawa nayon ng mga artista para kahit walang husband happy sila."
Hindi ko muna sinagot ang auntie ko. Napag-isipan ko na yan actually noon pero takot lang ako to go through the process. Maligaya naman parents ko sa mga apo nila sa mga kapatid ko, parang hindi naman kailangan na magdadag pa ako. Isang goal ko talaga is dapat pag 30 years ol na ako, dapat may baby na. Paano ngayon yan Alfie kahit boyfriend nga wala ka, anak pa. Ilang buwan na lang deadline mo na!
Pag-uwi ko, pumunta ako agad sa kwarto ko. Ang tahimik na ng bahay dahil ako na lang yata nakatira dito. Tinitingnan ko ang buong bahay habang paakyat ako. Ang daming memories talaga. Noon maingay pa kasi marami kaming magkakapatid. Tatlo kaming babae at tatlong lalaki din. Pagdating sa bahay galing school, magbibihis muna kami tapos pupunta ng study room. Masaya pag nag-aaral kasi yung mga nakakatanda sila yung nagtututor din sa amin. Habang lumilipas ang panahon, paunti-unti ng nababawasan kaming pumpunta doon. Hanggang sa namalayan kong ako na lang talaga ang tao dun. Tuwing nasa simbahan kami, occupied talaga naming yung isang row. Kung nasaan sina mommy at daddy andon din kami pag weekends. Masaya pagbuo kayong pamilya. Nakakamiss din pala.
Okay na lahat, na organize ko na mga sketches ko pati mga planners ko na lagyan ko na at na contact ko na lahat ng dapat kong tawagan. Naisipan kong mag research na lang muna. 'In vitro fertilization' Ayon na search ko na. Binabasa ko ang informations para aware lang ako. Then yun na, alam mo yung feeling na parang nakakuha ka ng good idea. So tinawagan ko si tita ko, "Tita Cheeky, I have decided!"
![](https://img.wattpad.com/cover/80096169-288-k357437.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpectedly You
RomanceSi Alfie ay isang babae na feeling niya napaglipasan na siya ng panahon sa love. Dahil sa heartbreaks na naranasan ya na noon, nawalan na siya ng gana mainlove ulit kaya naging career oriented na lang siya. Pero isa sa mga number 1 goals niya ay mag...