Kung ang nais mo
ay maging bahagi ng buhay ko,
sige malaya kang gawin ito,
walang pumipigil sayo.
Kung ang nais mo rin
ay umalis na,
wala ring pumipigil sayo.
Malaya kang gawin
ang anumang naisin mo.
Dahil pigilan man kita,
ay wala akong magagawa,
magmumukha lang akong kawawa.
Pero pakiusap lang,
magstay ka man o umalis,
wag ka sanang paharang harang
dahil may nais din
akong puntahan.
O maaring may ibang tao
ding nais maging bahagi
ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Buhay Single
Non-FictionSingle? Mukhang madali lang para sa iba na tukuyin ang mga single. Dahil sa kanilang salita't gawa. Ikaw paano mo masasabing single ang isang tao? Kung oo, tama ka nga kaya? Dito mo malalaman ang mga karaniwang iniisip, nararamdaman at ginagawa ng m...