Akala nila kapag single,
malaya na sa sakit.
Hindi nila alam na lugmok
din sila sa kalungkutan.
Kalungkutang dulot ng nakaraan,
nakaraang humaharang sa kasalukuyan.
Nakakulong sa sakit
na dulot ng kahapon.
Kahapong kasama ang dating kasintahan.
Na siyang nagdulot nang hindi pag-usad
at kalungkutang nagkukubli
sa pusong iniwan nang nag-iisa.
Sila ang mga single
na hindi pa nakakamove-on,
mga umaasa pang maaayos
ang nakaraang matagal ng lumipas.
O naghihintay na babalik
pa ang lahat sa dati,
na sa pagtulog ay siya ang nasa isipan,
at siya pa din kinaumagahan.
Mga single na masaya sa harap ng iba
at malungkot kapag nag-iisa.
Kaya minsan sana sila din ay kumustahin
at kahit ilang segundo lang sana sila ay yakapin.
Nang gumaan at mabawasan din
ang nararamdamang pangungulila't kalungkutan.
BINABASA MO ANG
Buhay Single
Non-FictionSingle? Mukhang madali lang para sa iba na tukuyin ang mga single. Dahil sa kanilang salita't gawa. Ikaw paano mo masasabing single ang isang tao? Kung oo, tama ka nga kaya? Dito mo malalaman ang mga karaniwang iniisip, nararamdaman at ginagawa ng m...