"Diko kailangan ng love life, pagkain lang sapat na"
Kadalasang linya ng mga single.
Kaya imbes magkabf/gf,
nananaba't nagkakaroon ng baby fats.
Totoo namang masarap kumain,
pero deep inside gusto din niyan ng bf/gf.
Defense mechanism lang ito,
para di sila kaawaan at asarin ng ibang tao.
Ang love na hindi pa dumating,
sa pagkain naibabaling.
Busog nga ang tiyan,
wallet naman ay wala ng laman.
Di bale na, sa pagkain naman,
kesa sa ibang bisyo pa inilaan.
BINABASA MO ANG
Buhay Single
Non-FictionSingle? Mukhang madali lang para sa iba na tukuyin ang mga single. Dahil sa kanilang salita't gawa. Ikaw paano mo masasabing single ang isang tao? Kung oo, tama ka nga kaya? Dito mo malalaman ang mga karaniwang iniisip, nararamdaman at ginagawa ng m...