Why Can't It Be?

28 0 0
                                    

Ang love bigla nalang sumusulpot yan, bigla nalang nararamdaman, bigla nalang lumalakas ang tibok ng puso mo. Ang tunay na pagmamahal nga daw ay walang rason, basta bigla nalang umuusbong  sa isang tao, mapa kaibigan mo man. Mararamdaman mo nalang bigla na may mga oras na nalulungkot ka dahil hindi mo siya nakakasama, nakakausap o nakakatext man lang. At pag may kasama siyang iba o may kausap siya nako panigurado dadating nanaman si SELOS :D. Pero sabi nga nila, lahat ay may karapatang magselos lalo na kung mahal mo yung isang tao wag nga lang over over!  >:D dahil wala namang batas ang nagbabawal na mahalin mo kung sino man yang tinitibok ng puso mo kahit pa iba ang nilalaman ng puso niya. Masakit man isipin pero hindi lahat ng ito ay pwedeng maging mala-Cinderella na Happy Ever After, kadalasan ito ay nagsisimula sa pagiging magkaibigan at nagtatapos din sa “Hanggang magkaibigan lang pala talaga kami.”

Ako nga pala si Rhea Nicole San Juan, ang babaeng makulit at kasing taas ng ulap kung mangarap, pano ba naman sa dinamirami ng mamahalin ko ay yun pang kaibigan ko na si Clarence Reyes. Nagkakilala kami noong 1st year high school kame at nagkahiwalay ng school dahil magiging college na! Si Clarence ay isa sa matatalino kong kaklase noon, dati nga ang turing ko sa kanya ay kaibigan lang talaga, hanggang sa…........

“ Uuuuuuy! Si Clarence nga ito ha, Iya tignan mo oh! :’> Ang laki ng pinagbago niya in fairness! Ang dating totoy ngayon aba ang gwapooooooooo!” sabi ko naman sa kaibigan kong si iya habang naghahanap ng kakilalang pwede kong i-add sa facebook.

“Hoy te! Teka nga ha? Kung makapagsabi ka dyan, kilala ko ha? Kilala ko? :DD”

“Sabi ko nga hindi mo kilala e, sorry ha pwede? Haha” sagot ko sa aning nay un :D

“I-add na kase, baka naman matunaw yan kakatingin mo ha?” sabi ni iya na para bang alam kung ano yung nasa isip ko!  Ano ba naman tong babaeng to, may mata sa likod? Haha

Nang biglang

.

.

.

.

FRIEND REQUEST SENT.

“Halaaa? Huy Iya naman e nakakahiya kaya.” pinaghahampas ko nga! Hahaha sadista na kung sadista! :D

“Osige, delete ko? Halika nga dito at makaltukan kang babae ka!” aba lokaret talaga tong si iya eno?!

“Syempre hindi, ano k aba! :”>” ang malandi kong sagot :D

Pag-uwi ko ay agad akong napaisip, i-accept kaya ako nun? Nakakahiya talaga eh. Dalawang araw din ang lumipas at....

“Matignan nga kung inaccept nya na ako” sabi ko sa sarili ko at agad ko namang binuksan ang fb ko at… at… With the capital O-M-G! Ako na mahaba ang hair :D Oh baka matapakn nyo ha? Hahaha Inaccept nya ako :”>.

Naabutan ko siyang online noon kaya naman agad ko siyang chinat.

“Uy  Clarence, salamat pala sa pag accept ha?”

Ay tagal naman magreply neto! Hahahaha nagulat ako nang.

“Hello! Wala yun, ikaw pa ba? O kamusta kanaman?”

Agad akong nagreply. “Eto okay naman, ikaw? Hoy ikaw ha? Nakakamiss ka at syemre sila din.”

“Okay naman din ako. Oo nga e, kamusta na kaya yung mga yun no? ah nga pala mag-oout nako Rhea ha? Ingat ka.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why Can't It Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon