Unang Yugto

38 2 5
                                    


~


| Sa kaharian ng Hangin |


Ito ang kaharian na pinamumunuan ng panganay na diwata na siyang tagapangalaga ng Hangin, si Vaténai o Binibining Vaténai sa kaniyang mga nasasakupan.

"Nakakainis naman! Bakit ganoon yung huli!" pagmamaktol ng diwata, "Ano nga uli yung iba pang tawag dun?"

"Endi po ata yun mahal na Binibini." Sagot ng isa sa kaniyang mga tagapagbantay.

"Ay nako! Basta kung anuman yun! Nakakainis! Hindi ba dapat magkakatuluyan ang dalawang... Ano nga uli yung tawag dun sa dalawang tao na--"

"Mga bida po o lead actors mahal na binibini."

"Hay, walang kwenta ang mga ganitong istorya. Wala na ata sa tamang pag-iisip ang mga tao dahil gumagawa sila ng mga ganitong istorya. Nakakainis." Pagmamaktol pa ng binibini kaya naman napapangiti na lang ang kaniyang mga tagapagbantay dahil palagi naming ganito ang binibini. Hindi siya masyadong palaseryoso sa mga bagay-bagay kahit pa siya ang pinakapanganay sa lahat ng diwata.

"Nakakainsulto ito. Sila ang katangi-tanging nilikha ng Ama na pinakamalait sa wangis natin ngunit ang kanilang pamumuhay, ang kanilang pag-iisip at mga kakayahan ay sadiyang napakalayo at napakaiba sa atin. Hindi ko maintindihan si Ama sa paglikha ng mga ganitong nilalang."

"Ang mga tao na naman ba mahal na Binibini."

"Saim, narito ka na pala." Nagbigay pugay naman ang punong tagapangalaga ng kaharian sa kanilang binibini.

"Ipinatawag niyo raw ako mahal na Binibini." Sambit ni Saim pagkatayo sa kaniyang pagkakaluhod at lumapit ng kaunti sa kinauupuan ng kanilang Binbini.

"Nais kong samahan mo ako mamaya."

"Saan po tayo tutungo mahal na Binibini?"

"Nais kong magpunta sa mundo ng mga tao." Sagot ng Binibini na ikinagulat ng lahat ng nasa paligid niya. "Bakit? May problema ba?"

"Ngunit mahal na Binibini---"

"Alam ko, alam ko..." pagpuputol sa kaniya ng Binibini, "Kaya nga ikaw ang napili kong sumama sa akin Saim. Alam kong mapoprotektahan mo ako." Wala ng nagawa si Saim kundi ang sumang-ayon sa sinabi ng Binibini.

"Ngunit ano ba ang inyong pakay doon?"

"Hmmm... Bukod sa nais kong parusahan ang ilang mga tao na sumisira sa hangin ng kanilang mundo, nais ko ring makita ng malapitan ang kanilang mga kakaibang kagamitan tulad na lang ng..."

"Yung telebisyon po mahal na Binibini?"

"Tama!" masayang sabi ng Binibini. Marami pa siyang ibang sinabing mga kagamitan at mga kung anu-ano pang nais niyang makita at gawin sa mundo ng mga tao. Hindi naman mapigilan ni Saim na mapangiti at mapatitig sa kaniyang mahal na Binibini.

"Maghanda ka na Saim." Pagkasabi noon ng Binibini ay tumayo ito.

"Masusunod po mahal na---   MAHAL NA BINIBINI!"


~

| Sa kaharian ng Arkavati – ang tahanan ng Hari at Reyna |


Nasa kanilang silid ang hari at reyna. Ang silid na pinakamalaki at pinakamagarbo sa lahat ng silid sa buong kaharian ng Arkavati. Ang buong silid ay purong ginto at nakaukit sa buong pader ang bawat konstelasiyong makikita sa buong kalawakan. Sa sahig naman makikita ang bawat simbolo ng bawat isang nilikha ng hari. Sa kanang bahagi ng silid makikita ang mahabang lamesa na purong pilak kung saan ang hari at reyna lamang ang maaring gumamit. Sa kaliwang bahagi naman nakalagay ang isang malaking salamin na dating ginagamit ng hari at reyna upang makita at mabantayan ang buong kalawakan. Ngayon ay dito na lamang pinagmamasdan ng reyna ang kanilang mga anak sa kani-kanilang mga kaharian.

ArkavatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon