Time check. 08:26 am.
Sakto bukas na yun.
Mahinahon akong naglalakad papunta sa OSC kung saan bibili ako ng mga gamit. Pambihira, mauubos na naman pera ko nito.
Kung hindi lang kaylangan ko, hindi sana ako magsasakripisyo.
Madami ng tao, mga nagmamadaling naglalakad, siguro papasok sa eskwela o sa trabaho. Buti na lang hindi pako napasok.
Lutang ang isip ko, nakapalsak kasi sa tenga ko ang aking earphones, tanging asa isip ko lang, kaylangan kong makadating sa OSC.
Nakita ko na ang pinakamamahal kong tindahan. Dali dali akong naglakad ng makita ko ang habilinan ng gamit sa labas.
"Kuya pwede ko na pong ipasok?" Malumanay kong sabi sabay haya ng aking bag. Hindi naman ako magnanakaw ehh.
"Iiwanan yan." Aniya. Napaka taray para sa isang lalaki, siguro dapat maging mabait sya sa mga tao.
Hindi na ako pumalag, agad kong hinubad ang bag ko sabay bigay sa kanya.
Kinapa ko muna sa bulsa ko ang pera ko, baka mamaya babalik balik ako kapag naiwan ko ang kaylangan ko.
Ibinigay nya sakin ang card na may number at agad akong pumasok.
Nagderederetso ako sa bilihan ng lapis.
Matagal nakong nabili dito kaya di ko na kaylangan pang mag hanap.
Bumungad sakin ang napakasungit na muka ni ateng tindera.
Matanda na sya, para laging may date dahil sa lipstick. Pero wala akong pake sa kanya, ang alam ko lang, may bibilin ako.
BINABASA MO ANG
Lapis (One Shot)
Short StoryMinsan pinapangarap natin na sana makilala natin ang taong para satin sa pamamagitan ng mga bagay na sobrang halaga satin. Di ko pa nae experience, pero, hoping.