Chapter 2

2.5K 29 1
                                    

"Ate staedtler nga po. Pwede pong matingnan." Malumanay kong sabi, gusto ko kasing ipakita na mabait akong bata kahit ang totoo ehh surang sura nako sa pagmumuka nya.

Kinuha nya ang lagayan ng mga lapis at malakas na itinuktok sa salamin.

Hindi ka naman galit ate?? Sabi ko sa isip ko.

Tinititigan ko sya, para syang may pinagdadaanan. Nakabusangot umagang umaga.

Siguro nasusura din sya sa mga nabili dito na tanong ng tanong sa kanya,

Kaya hanggat makakaya ko, bibihira ako mag tanong, ayoko namang ako ang dahilan ng pagkasura nya.

Tinignan ko ang mga lapis.

Hmmmm. 8b, 8b ang kaylangan kong lapis. Tinitignan ko pa yung iba habang iniisip ang reference ko kung ano bang kaylangan ko pang lapis pang guhit.

Buo na ang desisyon ko, kasama ng make up ni ateng tindera. Bibili ako ng 8b at Hb.

Magkatunog diba? Hindi yan ang dahilan kaya yan ang bibilin ko, pero pwede na din.

Kinuha ko na ang dalawang lapis at tumingin tingin pa sa mga gamit. Iniisip ko kung anong sunod kong bibilin.

Tss. Vellum. Muntik ko pang makalimutan.

Lapis (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon