Kumuha ako ng isang balot na vellum at agad na bumalik sa mga art materials para muling maningin.
"Kuya pwede pong magtanong?"
Nagulat ako at napatingin sa babaeng nagsalita.
Grabe, ang ganda nya.
Maliit lang sya, mejo maputi, basta maganda.
Nakatulala ako sa kanya. "Po?" Tanging salitang nabigkas ko.
Ganto pala ang pakiramdam ng na stunned. Yung sinasabi nila na tumitigil ang oras.
Napakalandi ko. Sabi ko sa sarili ko. Para nagtatanong lang yung tao ehh.
"Kuya tatanong ko lang po." Nakatingin sya sa mga mata ko, sabay tingin sa hawak kong lapis. "Para san po ba ginagamit itong mga lapis?" Sabi nya. Napaka malumanay ng boses nya, pero hinala ko, hindi talaga ganon ang boses nya.
Pang sulat malamang.
"Ahh, ito?" Sabay turo sa mga lapis. "Iba iba kasi to ng mga size." Sabi ko. "May malabo at may malinaw." Dugtong ko.
"Ehh para san ba yung mga ganon?" Mejo magulo ang tanong nya pero sige sasagutin ko.
"Yung H malabo yun. Pwede mo syang gamitin pang gridlines kung magdo drawing ka. Pwede ding pang shading. Yung hb naman at 8b, pwede sya sa buhok, kasi dark yun ehh. Hb para sa mas light." Sabi ko. " maganda din sya gamitin sa mata kung magdodrawing ka ng tao."
Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Habang sya, nakatulala sakin, na para bang nakikinig sa nanay nya habang kinekwentuhan sya ng bedtime story.
"Ahh salamat kuya. Pwede mo ba akon turuan? Gustong gusto ko kasing matutong gumuhit ehh." Sabi nya na may tonong hindi mo matatanggihan.
Grabe, pano ko to tuturuan??
"Sige po ba." Nanginginig kong sabi sa kanya.
"Pwede ko po bang makuha pangalan mo sa fb?" Sabi nya na ikinagulat ko naman. Inabot nya sakin cellphone nya. "Pasulat naman."
BINABASA MO ANG
Lapis (One Shot)
Cerita PendekMinsan pinapangarap natin na sana makilala natin ang taong para satin sa pamamagitan ng mga bagay na sobrang halaga satin. Di ko pa nae experience, pero, hoping.