Chapter 2

5 0 0
                                    

Mysterious Woman

May family day kami ngayon edi masaya nanaman kaming lahat. May palaro at may raffle draw. Tapos kainan pati parents nakilaro sa amin. Edi ganyan basta masaya. Pero matapos ang event nag uwian na ang mga parents kaming mga student naman naiwan para linisan ang mga kalat.

Edi masaya paglilinis namin kasi sa buong paglilinis ko kasama ko lagi si Nathan sabi nya kasi tutulungan nya ako. Edi ayon na nga saya nanaman ng lovelife ko.

"Zeita laro daw tayo uli mamaya" sabi ni Kristy sa akin ang aking cute and lovely bestfriend. Lahat naman sila friend ko. Sya lang ang kino-consider ko na bestfriend.

"Okay" nakangiti kung sabi.

"Zeita tapon ko lang to sa basurahan ha" paalam ni Nathan.

"Okay" nakangiti kung sabi. Tapos tinuloy ko ang pagwawalis ng kalat. Pero tumigil ako sa paglilinis at muli nanaman ipinairal ang imagination ko. Kunyari kasi mag asawa na kami ni Nathan tapos ayon nga daw masaya daw kaming naglilinis ng bakuran tamad daw kase yung mga katulong tapos yung mga anak namin naglalaro sa damuhan. Hahaha saya siguro nun kung totoo.

"Haist kawawa naman ang kapatid ko lagi nalang namamanyak sa utak ng isang babae dyan" sabi ni Jonathan. Teka kelan pa sya nasa tabi ko. At may dala pa syang panglinis ng CR. Halatang tinakasan nya yung iba sa paglilinis ng CR.

"Heh, shut up ka nalang. Paki mo ba, akala mo naman sya yung pinapantasya ko" tapos sabay layo ko sa kanya tapos tinuloy ang pagwawalis.

"May paki ako kapatid ko nilalapastangan mo" sabi nya.

"Ui nilalapastangan ka naman agad jan, pinagpapantasyahan lang. Below the line ka na ei, nilapastangan agad che." angal ko.

Tapos ayon walang katapusan na bangayan na kami, kelan kaya kami magkakasundo nito. Pano na pala kapag naging brother in law ko na sya edi wala na laging may gyera.

*****

Tristan's POV

Naiinis ako ngayon sa nakikita ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ako magiging ganito. Bakit kasi wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya.

Lagi nalang kasi akong nauunahan ng kaba. Tapos idagdag pa na lagi syang nadidikitan ng magkapatid na yun at halata din kung sino gusto nya.

"Uy pare anong ginagawa mo dito?" Biglang sulpot ni Nathan.

"Huh? Wala tapos na kasi kami sa likod ng school. Kumbaga ei tambay muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Ah ganun ba" tapos napatingin sya sa tinitignan ko. " hahaha ang kulit ng dalawang yun. Bagay talaga sila" natatawa nyang sabi.

Nagulat ako sa sinabi nya. Anong ibig sabihin nya dun? Hindi ba sya nagseselos dahil baka magkagusto si Zeita kay Jonathan.

"Pano kaya kung nagkatuluyan ang dalawang yan. Masaya siguro ang pamilya namin. At isa pa bagay silang dalawa" nakangiti pa rin sya. Pero may iba akong napapansin sa mata nya.

Tumayo ako at naglakad papaalis, pero bago yun may ibinulong ako sa kanya.

"Smile and eyes can't lie. Were in the same boat" sabay alis ko na.

Ang hirap pala pag madami kang kaagaw.

***

Kristy's POV

"Ui san ka pupunta?" Tanong ko kay Tristan nang makasalubong ko sya.

"Sa room" sabi nya habang tuloy-tuloy sya sa paglakad.

"Ahm okay sige" tapos pilit akong ngumiti para hindi mahalata na kanina pa ako nag e-eavesdrop sa kanila ni Nathan.

Tumingin naman ako sa kinaroroonan nila Zeita at Jonathan tapos si Nathan palapit na sa kanila. Haist iba talaga appeal ng bestfriend ko biruin mo tatlong lalaki nagkakandarapa sa kanya.

Card KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon