How to play
Zeita's POV
" 'Who's the killer' ano yun?" Tanong ko kay Nathan.
Nahihiwagaan talaga ako dito sa sinasabi nilang 'Who's the killer' wala kasi akong ka ide-ideya kung ano yun. Basta ang alam ko simula nung 3rd year highschool ako ei lagi ko na yun naririnig yan.
"Ano ka ba, 4th year na tayo hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin yun alam?" Natatawang tanong ni Nathan at ni hindi makapaniwala sa akin. Ganun na ba ako ka slow mag adapt ng mabilis na pagbabago ng lipunan o talagang sadyang wala akong paki sa ganyang bagay.
"Hindi ko naman itatanong sayo kung alam ko diba, shunga" pamimilosopo ko ang ganda kasi ng tanong sa akin. 'hanggang ngayon pa rin ba hindi mo pa rin alam?' Malang hindi, kaya nga nung una pa lang tinanong ko na haist. Kung alam ko naman edi hindi na ako magtatanong.
"Ang slow mo talaga, kaya ka napag-iiwanan ng panahon" singit naman ni Tristan.
"Sorry naman po kung slow ako, kasalanan ko ba na talagang pa weird ng pa weird na ang mundo para sa akin" napataas kilay ako dun.
"O sya, sya sige na kung saan pa mapunta tong usapan na ito, napapalayo na tayo sa main topic natin" singit ni Nathan.
Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. Haist ang ngiti at mata nyang mapang akit. Natutunaw talaga ako sa tuwing tumitingin sya sa akin ng ganyan ang puso ko malalaglag na.
"Papulot naman ng puso ko, na fa-fall na kasi"
"Ha?"
.
.
.
.
.
.
.
.
After 30 seconds
.
.
.
.
.
.WAAAAH SHEMAY NASABI KO ANG DAPAT EI SA UTAK KO LANG SINABI. HALA PANO YAN ANO IPAPALUSOT KO. HAIST BAHALA NA KUNG ANONG MASABI KO.
"Ah uhm ano, i mean is" waaah pinagpapawisan na ako mahahalata akong kinakabahan. "Ano hahahahaha ang korni hahahah ang korni ng joke mo lol" nagpalinga linga ako para makaiwas sa tingin nya sa akin tapos yung ngiti ko nanginginig.
"Ahm tol nagjoke ka ba?" Tanong ni Tristan kay Nathan.
"Ha? Ewan siguro nga joke yun" matapos silang mag usap tumingin sya sa akin at ngumiti.
"Sorry ha korni nga siguro ako mag joke"Waaaah nang gigi-guilty ba sya? Hala anong gagawin ko?
"H-hindi sorry mali pala ako.. ano ...i mean pala is qoute lang yung sinabi ko kanina. Naalala ko lang at nasabi ng malakas, hindi ikaw mismo yung sinabihan ko ng korni kundi yung gumawa ng qoute na yun" sabay ngiti ko, haist hirap mag explain. Haist Zeita ang katangahan nga naman.
"Ah, sige saka na yan. Explain ko na sayo kung ano ang 'who's the killer." sabi nya. And after 10 minutes nyang pag eexplain nakuha ko na din kung pano.
Ganito daw kasi yun yung 'Who's the killer' pala na yun ang isang game. Ang ginagamit sa game na yun ay card.
At way ng laro na yun, kukuha lang kayo ng tig iisang King, Queen, Jack and Ace sa baraha. Then kung ilan ang kasama sa laro yun ang bilang ng baraha, ganito kunyari 20 kayo 20 din dapat ang baraha kasama na dun ang tig-iisang K,Q,J, at A. Tapos yung iba ei kahit ano na no. ng baraha basta iisa lang ang gagamitin nyong K,Q,J, at A.
May kanya-kanyang tungkulin ang mga baraha. Ang King sya ang Killer, sya ang papatay sa lahat. Ang Queen sya ang doctor, sya ang magbubuhay sa mga pinatay ng King. Ang Jack sya ang Judge, sya ang taga husga pero actually sabi ni Nathan hindi daw masyadong napapakinabangan ang Judge sa laro. And the last is the Ace sya ang Pulis, sya ang maghuhuli sa killer at kapag nahuli nya ang killer sa akto sasabihin nya sa killer na 'I got you' and the game is over. Pero yung mga simpling baraha lang like for example yung 2,3,4,5,6,7,8,9,10 na baraha sila yung mga commoner. Parang panggulo lang sa laro para mahirapan ang pulis sa paghuli sa killer.
Pero para lalo nating maintindihan ang laro ito, may way ito. Una bunutan muna kayo ng baraha. Then mabilis nyong tignan ang baraha nyo tapos itago. Hindi nyo dapat sabihin kung anong baraha ang nakuha nyo kahit kanino. Tapos lahat ng kasali uupo at magfo-form ng pabilog. Then after nun i-start na ang game. Mapapagana nyo ang laro na ito sa way ng pagkindat sa kasali. Example ang killer ei si Nathan kinindatan ang isang kasali tapos nakita yun ng kinindatan nya ang sasabihin nito "im dead, im the commoner" tapos nun bawal nyang sabihin kung sino ang killer tapos hindi na sya kasali sa laro pero para makasali uli sya kailangan ay makindatan sya ng Doctor for example ako, then ang sasabihin nya "im alive" then kasali uli sya. Tapos ito pa pag nakindatan ng ni Nathan ang Queen which mean is ako ibig sabihin nun may gusto sya sa akin hahaha di joke lang. Ito na talaga pag nakindatan ako ni Nathan tapos ako pa yung Queen tapos na ang laro panalo sya at talo na ang Ace. Dahil once na namatay ang Queen ibig sabihin nun wala ng taga salba ang lahat ng kasali.
Yun try nyo din laruin. Pero kung nabobored kayo larong to. Haluan nyo nalang ng dare. NA kunyari ganito gagawin ng natalo. Yun para lalong enjoy ang laro. Wow haha nag advertise na ako ng laro.
After kung nagets lahat ng yun pinasali nila ako sa laro nila. Haist nung una ayoko dahil nababaduyan ako tapos isipin mo 4th year na kami pero naglalaro pa kami ng ganito. Pero kung sabagay okay din to para may bonding ang buong klase namin.
Matapos ang isang laro, grabe na enjoy ko yun tapos sabi ko isa pa kaming laro. Kaso hindi na pwede dahil uwian na namin.
Pero kanina talaga nakakahiya ang ginawa ko. Kasi nung nagbunutan edi ang nakuha ko Jack means im the Judge. Ei hindi ko naman alam na Killer nung time na yun si Nathan edi yun nung kinindatan ako ni Nathan edi kinilig naman ako. Tapos nakailang ulit syang kindat edi kung ano-anong pantasya ang pumasok sa utak ko. At kaya dun nahuli sya ni Jonathan. Ay oo nga pala si Jonathan ay kapatid ni Nathan. Ei yun pala pulis si Jonathan nun. Kaya todo sorry ako kay Nathan matapos yun. Kasi may parusa sya dahil talo sya.
---
Okay ba? Hihi sana okay ang una. Well hanggang dito po muna hayaan nyo munang lumandi ang ating bida dahil sa mga susunod hindi na yan makakalandi. Iwan nalang po kayo ng commeng :) thanks

BINABASA MO ANG
Card Killer
Mystery / ThrillerCan you survive into something an extra ordinary game. Were your life is in the line. Who should you trust? Who should be not?