Chapter 3

7 0 1
                                    

Black Card

Zeita's POV

"Haa aah haa aah haa" hingal na hingal na bumalik kami ni Kristy sa room.

"Ano naabutan nyo ba?" Tanong ni Tristan.

"Hindi ei" sagot ko.

"Hayaan nyo na" sabi naman ni Nathan.

"Pero kasi, hindi man lang tayo nakapag thank you tapos hindi pa natin nahingi ang pangalan" sabi ko na puno ng dismaya.

"Hayaan mo na baka malay mo balang araw makita mo uli sya" sabay ngiti ni Nathan.

"Ahm hehe sana nga" nakampanti na ako sa sinabi ni Nathan.

"Uy tama na yan. Magsasara na mamaya tong school, nakauwi na lahat ng kaklase natin. Wala ba kayong balak umuwi?" Nababagot na tanong ni Jonathan. Kainis tong kumag na to. Lagi nalang walang paki-alam sa mundo.

"Mabuti pa nga, uwi na tayo" sabi ni Kristy tapos hinila na nya ako palabas ng room. "Zeita bago tayo umuwi punta muna tayo sa jewelry shop" sabi nya.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Ipapalinis ko lang tong bigay ni mama" sabi nya.

"Ah okay sige"

Nang makarating kami sa jewelry shop pinapanuod ko kung pano nila nililinisan ang kwintas ni Kristy. Talagang alagang alaga ni Kristy ang kwintas nya kasi naman kada buwan pinapalinis nya.

Sabagay may sentimental value kasi yun sa kanya. Yun daw kasi ang huling regalo na binigay ng mama nya bago ito yumao. May sakit kasi na lung cancer mama nya. Tapos ngayon itong papa nya para matustusan pag-aaral ni Kristy nangibang bansa. Pero may ibang pamilya na daw ito dun.

Pero hindi naman sya pinapabayaan ng papa nya. Lagi nya parin itong pinapadalhan ng pera. Pero naawa talaga ako kay Kristy nung nalaman kung magisa nalang sya sa bahay nila. Kaya minsan dun ako sa kanila nakikitulog. Dati nga inalok ko na sya na sa amin na sya muna tumira pero tinanggihan nya ako dahil wala daw magbabantay at maglilinis ng bahay nila.

"Ito na po maam" sabi nung babae. Tapos inabot nya kay Kristy yung kwintas.

"Wow mukha na uli syang bago" sabay ngiti ko.

Napangiti nalang din sya.

Nang makarating na kami ng subdivision nilakad nalang namin ang papunta sa amin.

"Zeita"

"Bakit?"

"Yung babae kanina"

"Bakit anong meron sa kanya?"

"Ah kasi bago pa sya nakipag-laro sa atin nakabungguan ko na sya. Alam mo pa nga nung una napansin kong may hawig kayo sa isa't-isa. At talagang kuha nyo ang itsura ng isa't-isa pati na din yung taling sa ilalim ng mata mo. Parehong-pareho kayo." Sabi nya na mukhang talagang nagtataka sya.

"Ha? Hindi ko napansin. Pero yung taling na sinasabi mo nakita ko nga din. Ang galing no?" Nakangiti pa ako nyan.

"Ano ka ba, pero Zeita sure ka bang wala kang kapatid or something like twin sister?" Tanong nya.

"Wala ha, kahit tignan mo birthcertificate ko single nakalagay dun at hindi twin" pagpapaliwanag ko.

"Sorry naman, pero anong malay natin. Pero kung sabagay mas maganda yun, at mukhang matured. Pero eto pa kasi isa pang pinagtataka ko. Nung nakita nya si Jonathan napaluha sya" isa nanamang issue haist.

"Alam mo masyado ka ng nagiging chismosa, malay mo jowakels yun ni Jonathan tapos hindi maka move on" teorya ko lang.

"Hindi ako chiamosa lol, yun na nga din teorya ko pero nung tinawag ko si Jonathan parang wala lang, alam mo yun, 'no' reaction sila pareho" sabi nya na parang sasabog na sa kalituhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Card KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon