"Shit!"
Sumubsob ang manipis kong katawan sa lupa at ramdam kong any moment now ay mawawalan na ako ng malay but deep inside me ay sinasabing tumayo ako at tumakbo palayo. Sa tuwing naiisip kong wala akong kawala sa kanya ay pinanghihinaan ako ng loob na sa tingin ko'y wala na akong magagawa pa. Hindi ko lubos akalain na mangyayari sakin ito, na ang dating masaya at makulay kong buhay ay sa ganitong estado ako hahantong at natatakot akong harapin ang kinabukasang naghihintay sakin. Ang imahe ng mukha niyang nanunuot sa lahat ng bahagi ng utak ko ay nakatanim dito at wala akong kakayahang alisin, bunutin, o kalimutan. Ang sama niya! Pinagkatiwalaan ko siya! Muling nanuot ang sakit sa kalooban ko. Napaiyak ako ng maalala ko ang dahilan ng lahat ng nangyayari sakin ngayon. Masaya na ba siya? Kontento? Ano pa bang gusto niya, ang mamatay ako at paglamayan!? Pwes, hindi ko yun ibibigay sa kanya. Nagpupuyos ang dibdib ko sa ideyang pumapasok sa utak ko. Kahit hirap man ay pinilit kong bumangon at iangat ang sarili ko. Hindi niya ako pwedeng maabutan! Gamit ang inipon kong natitirang lakas, hinakbang ko ang paa ko kaya randam na ramdam ko ang kaunting pagsirit ng dugo mula sa paa. Kaunti na lang, makakalayo na rin ako! Sigaw ng isip ko. Pinilit kong maging manhid para indahin ang kahit anong sakit at kirot na nararamdaman ko ngayon.
"Isabelle!!" Nanlaki ang mata ko at napako sa kintatayuan ko ng marinig ang tinig na iyon. Hindi ako nagkamali. Ang boses niya! Hindi! Kailangan kong lumayo, kailangan kong tumakbo dahil sa oras na mahuli niya ako ay sa libingan ang hantungan ko! Sa takot kong makita niya ako ay kumaripas ako ng takbo at hindi ko na sinaalang-alang ang mga sugat ko.
"You can't go away easily Isabelle! Akin ka lang!!"
Napatutop ako sa bibig ko para hindi makawala ang hikbi mula dito. Napalingon ako sa gawing kanan ng makita kong may maliit na butas sa ilalim ng mga ugat ng puno na tamang-tama lang sa sukat ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at nagkubli sa ilalim. Kahit paano ay mapapatagal at mahihirapan na siyang hanapin ako. Isinubsob ko ang mukha sa tuhod at niyakap ng binti ko. Tulong.. Kailangan ko ng tulong! Munting sigaw sa utak ko. Ilang minuto akong nanatili sa pwesto ko sa takot kong kaunting ingay lang na malikha ko ay nahahanap niya ko. Matalas ang pakiramdam niya! Ang ideyang pumasok sa utak ko. Shit! At gaya ng inaasahan ko ay narinig ko ang yapak ng paa sa mga dahong nalagas sa lupa patungo sa pwesto ko. Hindi pwede! Napaiyak ako sa sobrang takot ng maramdaman kong nakatayo na ito sa kinukublihan ko.
"Finally.."
Natulos ako sa kinauupuan ko at pigil hiningang iniangat ang paningin ko. Parang-awa niyo na kahit sino tulungan niyo ako! Nanginig ang bibig ko ng mapagsino ang taong ito. May ngisi sa labi nito na ani'y natutuwa na makita ako.
"I found ya!"
YOU ARE READING
For The Love of a Vampire (On-Going)
VampireGive a shot on Belle's story with Theo, a vampire being.