Headline: "Mysterious Crime Incidents found at Ugong Village"
The alleged town of Rogues goes thousands of rumors that one of their native townsmen has been attacked by a random being that wasn't identified. Some people takes a few evidence that this rumored attack was true or been made of some prank activities. Some believes and somebodies not. Who would believe this kind of story? Hello? Rogues who attacked townsmens descreetly is just a ridiculous statement and no one proves if is it true or not. - Chito Chipipo
Nagbabasa ako ngayon ng Daily News tungkol sa insidente tungkol sa isa daw pag-atake ng isang di-kilalang suspek na talagang nagpagimbal ng buong pagkatao ko. Sino bang hindi? Kitang-kita sa larawan ang isang litrato ng binata na kung saan wasak ang leeg at butas ang kaliwang dibdib. Jusko. Sinong nilalang ang kayang gumawa ng ganitong klaseng karumal-dumal na krimen? Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko to. Oo nga't marami na akong nabalitang samut-saring mga krimen pero iba ito sa usual na nababasa ko na tungkol sa pagnanakaw, hold-up, at iba pa. But this is beyond! Base sa victim's body, mukhang may matinding galit ang sinumang may kagagawan nito. Nakakatakot na tuloy lumabas sa gabi knowing na hindi pa nahuhuli ang may sala. Hindi natin alam baka nasa paligid lang ito at taimtim na nagmamasid sayo. Medyo ease naman ako dahil kahit papaano ay medyo malayo-layo ang baryo Ugong dito sa baryo Merkado na tinitirhan ko. Mga dalawang baryo ang pagitan nila. Sapat na ba ang layo nun para maging ligtas ako? Sabi nga nila, ang kriminal hindi nananatili sa isang lugar kaya hindi ako pwedeng mapanatag. Wala namang silbi ang mga batalyon ng mga tanod at pulis dahil sa lahat ng mga krimeng nagaganap sa huli sila dumarating.
"Kringg.. Kringg.." Grabe, ang bantot ang ringtone ko.
"Hello?"
"Hello Belle! Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa baryo Ugong? Grabe kinikilabutan ako! Shocks naman kasi biruin mo nawawalan daw ng malaking porsyento ng dugo ang biktima at kasama pa sa nawawala ang puso nito! Grabe!" Teka, wala naman sa nabasa ko yung mga details na yun ah.
"Teka lang, ang sabi mo nawawalan ng dugo at puso ang biktima pero bakit hindi naman yun nakasaad sa dyaryo na nabasa ko? Hindi pwedeng kulang ang mga detalye doon." Nagtatakang saad ko.
"Para namang di mo kilala ang mayor natin. Natural hindi siya papayag na lumabas yun dahil kung sakali maraming tao ang mababalot ng takot or worst baka magsilipatan ng tirahan. Hindi niya gugustuhing mangyari yun kaya nakagawa na siya ng paraan. Binayaran niya ang publishing company para palabasin na isa itong ordinaryong krimen na gawa ng mga siraulo pero ang totoo may iba pang kwento sa likod nito."
"Ha? Anong ibig mong sabihin? Ano yung iba pang kwento na sinasabi mo? Pakilinaw nga." Puno ng curriousity sa tanong ko. Ayan na naman kasi yang weirdo nyang salita.
"Hayaan mo puntahan kita diyan bukas. Mahirap ikwento sa phone at isa pa may duty pa ako kaya bukas na lang."
"Okay."
Binaba ko ang phone at nagmadaling magbihis. Maaga ako ngayon dahil isa pang pagpatay ang nangyari sa baryo Saliticio at kailangan ko itong mai-featured. Hindi ako isang pulis. Hindi rin ako isang detective o kung ano pa man. Isa akong reporter. Eversince noong maliit pa ko eto na talaga ang pinangarap kong maging. Hindi naman ako ganon kadaldal or what pero kahit paano naide-deliver ko ng maayos lahat ng info. Iba talaga kapag gusto mo at mahal mo ang trabaho mo. The more na niyayakap mo ito yayakap din ito pabalik sayo.
Pagdating ko sa destinasyon isang grupo ng kalalakihan ang agad kong natunghayan na kasalukuyang kinakausap ng aming team leader. Ayon sa isa sa kanila na kinilalang si Domeng, magkakasama silang nagsi-uwian galing sa bukirin sa likod ng bundok ng Sauna ng bigla silang nakarinig ng malakas na atungal ng isang hayop. Sa takot nilang dagitin sila nito, nagsitakbuhan sila pauwi at hindi nila namalayan na isa sa kanilang kasamahan na si Tomet ay naiwan at hindi na nila ito nasilayan pa. Kinabuksan ay nagpasya ang mga ito na balikan ang dinaanan nila kasama ang mga tanod na hinilingan nila ng tulong upang mahanap ang kaibigang nawala at gayon na lamang ang gulat nila ng makitang wala na itong buhay. Nakahandusay ang bangkay nito malapit sa puno ng balete at kahindik-hindik ang itsura nito. Sobrang putla ng mukha niya at puno ng kalmot sa katawan at napansin din nilang bali ang leeg nito.
YOU ARE READING
For The Love of a Vampire (On-Going)
VampirGive a shot on Belle's story with Theo, a vampire being.