The crowd of a smoky, dark club with a bunch of drunk citizens scattered everywhere swaying at the beat of music like what hell is happening right now. I thought. I'm not a typical person who's in when it comes to this kind place because the atmosphere suffocates me. I was raised being enveloped of good manners and I can say that I'm a conservative lady opposite the other girls inside this liberated house of alcohol and pleasure called bar. Why do bar always need something stripping on stage? But what could I say? It's my first time here and I don't know anything about this kind of thing.
Yeah, rock in roll, to the world!
Enough of English spokening, nakakadugo sa ilong. Andito ako sa isang club sa may Santa Rosa dahil isa sa mga kakilala ko ang nag-invite dahil kaarawan nito. Balak ko sanang tumanggi nung una pero si Myleen na mismo ang nanghatak sakin dito kaya wala na rin akong nagawa. Nakaupo kaming lahat sa dalawang table na pinagdugtong dahil nasa walo kaming lahat. Puno ng beers at samut-saring alak ang lamesa kaya nagkanya-kanya na silang kuha ng gusto nilang inumin.
"Cheers for the birthday girl! Isang taon na naman ang itinanda mo! Wooh!" Sigaw nung lalaking medyo may itsura. May mapaglarong ngiti na nakapaskil sa labi habang nakatingin kay-- hindi ko kilala.
"Hoy payatot anong matanda ang pinagsasabi mo? Bata pa ako fresh at may asim pa!"
"Bata pa ba ang 24? Biruin mo yun sa tagal mo sa mundo wala pang lalaking nagtangkang manligaw sayo? Ang lungkot siguro nun. Hahaha! Sagutin mo na kasi ako at huwag ka nang pakipot."
"Aba naman to! Feeling gwapo lang bakit nanliligaw ka ba?" Asik nito na may bahid ng suklam.
"Uy basag!" Singit ng isa samin. Yung saling gitgit? Siya yun.
"Tsk! Ligaw ba kamo? Matagal ko nang ginagawa yun di mo lang napapansin dahil sobrang manhid mo!" Naiiritang saad ni kuya. Nangangamoy LQ mukhang mag-aaway pa ata.
"H-huh? Ano yun?" Mukhang tangang sagot ni Ate. May pautal-utal pa antaray!
"Wala!" Sabay tayo ni kuya patungong dance floor. Galit.
"Saan ka pupunta?" Lumingon ito at may nakamamatay na tingin kay Ate.
"Sasayaw. Maghahanap ng babaeng hindi manhid!" Madramang sagot nito sabay nakihalubilo sa mga sumasayaw. Nag-rock in roll na.
"Walang- hiyang yun! Ang lakas ng loob talikuran ako! Ano ako ba ang may kasalanan e hindi ko naman naramdamang nanliligaw na pala siya! Masyado siyang torpe!" Napatawa ako sa sunod-sunod na paglagok ng alak ng birthday girl. Napatingin ako sa mga kasamahan ko pero nagulat ako dahil wala na ang mga ito na tingin ko ay nakikipag-sayawan narin. Bloody hell! Sabi na nga ba at mapapag-iwanan ako eh. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko dahil nakaub-ob na sa lamesa. Tumba na agad. Sinundot-sundot ko ang nakakadiring pisngi nito na may pimples pero walang reaksyon. I guess tulog na ito. Inilibot ko ang mata sa loob ng club ng mapansin kong parang may nakatingin sakin.
"Hi miss, alone?" Napatingin ako sa tabi ko ng may tumabing gwapo. Sobrang gwapo at matipuno na nakakainit ng ulo dahil kilig na kilig ako. Note the sarcasm. Psh, ang sarap hampasin ng dinurog na inidoro.
"Sorry but I don't entertain strangers." Supladang sagot ko sabay flip ng hair.
"Yan ang mga tipo kong babae!" Napangisi ito sakin. Wutda! Alam ba niyang gasgas na ang mga ganyang linya? Feeling ba niya eh kina-gwapo niya yun?
"Lumayo ka nga sakin pangit na baboy!" Oo, mukha siyang baboy na nangingitim ang nguso in short pangit! At mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko kaya agad ako nitong sinunggaban at pilit na hinahalikan.
YOU ARE READING
For The Love of a Vampire (On-Going)
VampirGive a shot on Belle's story with Theo, a vampire being.