JEEPNEY (One Shot)

226 6 2
                                    

Naniniwala ba kayo sa love at first sight?

E sa second sight?

Ayyyy!! Gas gas na yan.

Pero hindi natin maiiwasan pag nakipaglaro na sa atin ang tadhana. Yun bang, natulak mo sa rally e hindi mo inaasahang maging kayo. O yung nakita mo lang ang paa, minahal mo na.

CASSIE'S POV

Monday na Monday late na ako. Bat naman kasi naka-gala pa kami. Ang hirap pa kaya maglakad ng may heels. 8:20 hala! Lord naman tulungan nyo ako please.

Nag-aantay ako ngayon ng jeep dito sa paradahan. Ang tagal naman! Nafefeel kong traffic pa ata. Aaaaaaahhhhhh!!

Narinig ata ni Lord yung sigaw sa loob ng ulo ko dahil may dumating. Yehey! Sasakay na sana ako pero naunahan ako ng iba kong mga kasabay.

Buti nalang may space pa sa dulo. Umupo na ako doon. Dahan dahan akong umakyat kasi ang hirap talaga pag naka-heels ka.

Kumalkal ako ng barya sa bag ko at iniabot na yun sa mga pasahero papunta sa driver.

Napansin kong yung suot kong ID is yung "PRESS". Baka i-report ako sa school pag nakita 'to ng guard.

Tinignan ko sa wallet ko ang school ID ko at ipinalit yun sa press ID ko.

Teka nga. Ba't panay ang tingin ng lalaking 'to sa harap ko?

Hmmmm. Nevermind. Cute naman e. At pretty din ako kaya no wonder nga nga siya sa fez ng lola nyo. Nyahahaha

Tititigan ko na sana si Mr. Sneeking-Up-On-Me-Are-You-Not nang bumaba na sya. Tinignan ko ang mga tarp na naka-display sa waiting shed. Ah, dito pala sya nag-aaral. Ahihi. Malapit lang pala sa amin. Kaso... HINDI KO MAN LANG NASULYAPAN YUNG ID NYA!! Hindi ko na sya maa-add sa Facebook :(

IVAN'S POV

Wala na. Absent na'ko sa first class ko. Kahit kelan talaga late ako -____- Ang tagal naman ng jeep! Nandito ako ngayon sa paradahan nag-aantay ng masasakyan. (Break it down, yo!)

Napasulyan ako sa right side ko. Oh my. Oh no no no. KAY GANDANG BABAE!! Ang ganda ganda ganda ganda GANDAAAAA talaga! Nasabi ko bang maganda sya? Na-mesmerize ako :O

I have a plan. Kailangan kong malaman ang name ng beautiful lady na 'to. And I will make her mine! Bwahahahaha

Ayan na. Sa wakas. Meron na yung jeep. Agad agad namang nagsiksikan yung mga tao para makasakay. Tsk! Buti nalang may space pa dito sa dulo. Pag tingin ko sa harapan ko...

Ang swerte mo talagang tao Ivan. Napakaswerte mo. Akalain nyo yun? Nasa harapan ko si Miss Beautiful! Ahihi :">

Ililibre ko sana sya ng pamasahe pero naunahan nya ako. Iniabot na nya yung bayad nya. Pagkatapos ay binuksan ang bag at kinuha yung ID. Ivan, keep your eyes open.

210476

MARIA KRISTINA CASSANDRA CORAZON CONCEPCION

BS ACCOUNTANCY 1

DECEMBER 7, 1996

Ang haba ng pangalan. Nahalata na ata akong pasilip-silip sa ID nya. Pero feel ko all goods parin naman sya. Buti nalang talaga at mabilis akong mag-type dito sa phone. >:D

Buong biyahe namin, nakatingin lang ako sa kanya. Sya naman, wala lang. Nakatingin lang sa labas ng jeep.

Pagka-tingin ko ulit sa kanya, NAHULI NYA AKO!! Nahuli nya akong nakatitig sa kanya. Buti nalang at bababa na ako.

Ang saya ko. Hahanapin ko sya agad sa Facebook. Wait for me Ms. Concepcion

CASSIE'S POV

Pagkauwi ko sa bahay, nahiga na ako agad at nagpahinga ng konti. Kinuha ko ang Iphone ko at binuksan yung Facebook ko.

JEEPNEY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon