Chapter 9 (Jelous?)

194 9 1
  • Dedicated kay Mary Ann Rambuyong
                                    

< Max's POV >

Natapos na silang maglaro at syempre ang nanalo ay sila Kevin pero hindi ko alam kung paano dahil sa mga iniisip ko.

Talaan ng aking mga iniisip:

1. Paano matulog si Kevin

2. Anong favorite color nya

3. Anong kinatatakutan nya

4. Anong ginagawa nya kapag wala sya sa mood

5. Ilan na ang naging girlfriend nya

Yan lang naman ang ilan sa mga iniisip ko.

Hindi ko nga alam kung kakausapin ko sya o magi-spy ako mamaya sa kanya .

AHHHHHH ang gulo na talaga!!

Pati ba talaga pagtulog at pastime nya kailangan kong alamin?

Ano ba kasi talagang meron sa kanya na kailangan kong malaman?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

Nagulat naman ako ng biglang umupo si Ren sa tabi ko.

"Oh ikaw pala yan. Bakit parang pawis na pawis ka?"

"Sabi na nga ba hindi mo ako pinanood maglaro kanina eh"

"hUH? naglaro ka ba kanina? Parang hindi kita napansin"

"Pano mo ba naman ako mapapansing maglaro eh sa iba ka nakatingin?"

Huh? kanino ba ako nakatingin kanina?

"Sorry ah. Madami kasi akong iniisip"

"Kasama ba ako sa iniisip mo?"

"hUH?"

"Ahahaha!! Joke lang yun noh!"

"ah akala ko kung ano na eh.. ahaha!"

"Sige aalis na ako. Kailangan ko kasing pumunta sa Bar mamaya ng maaga. Kakausapin ko pa kasi si Lance."

Sino naman kaya si Lance? Ah baka naman kaibigan nya lang.

"Ok ingat ka ah!"

"Sure. Hindi pwedeng hindi ako mag-ingat, may liligawan pa ako eh."

"Wow naman. Ipakilala mo sakin yan ah."

"Kilala mo na sya." sabi ni Ren sabay takbo palabas ng Gym.

Hindi ko pa nga natatanong sa kanya kung sino yug liligawan nya na kilala ko eh.

Hayyy.. ano ba yan. Ang dami ko na ngang iniisip dinagdagan pa ni Ren.

"BOOO!!"

"Ay pusang SIOPAO!!!"

"ahahaaha!"

"May balak ka bang magkaroon ako ng sakit sa puso?"

"Wala naman. Tsaka wag ka nga masyadong OA dyan! Ano ba kasing ginagawa mo dito? Kanina ka pinapatawag ni ma'am Janice sa office nya."

"Bakit daw?"

"Hindi ko rin alam eh. Mauuna na akong umuwi sayo kasi susunduin pa kita mamaya."

"Samahan mo muna akong pumunta kay tita."

"Sige tara na."

Kinuha nya yung bag ko at syempre nagulat naman ako.

Gentleman? Totoo ba talaga toh?

"Wow naman. Anong nakain mo at naging gentleman ka. Ikaw pa talaga magbubuhat ng bag ko ah?"

"Sino ba nagsabi na dadalhin ko yung bag mo. Binuhat ko lang para ibigay sayo." sabi nya sabay hagis sakin nung bag ko.

Man-Hater Meets The CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon