Chapter 13 ** Mga Banat ni Max Villarama **

194 5 1
                                    

A/N: Salamat nga pala sa masayang panonood namin kanina ng Princess Hours. mwahahahaha!! Wala lang share lang. Nga pala salamat sa mga nag-comment sakin sa school na kinilig daw sila sa mga banat na yan kaya bilang reward sa kanila gumawa ng mga banat ni Max. Para naman hindi lang puro babae ang kiligin. 

Sana wag kayong magsawang i-vote ang MHMTC. Pansin ko mas maraming Silent Readers. Pero okay lang cause I write not to Impress but to EXPRESS! ty!!!

[ Max's Pov ]

Nandito na kami ngayon sa classroom and as usual ang ingay nila. Simula ng mapasali ako sa basketball team lagi nalang umiingay ang dati kong tahimik na mundo. Pero masaya naman tsaka pansin ko di na ako ganung kairita sa mga lalaki. Ah ewan! Parang may bago akong feelings.

"Max naaalala mo pa ba yung kasunduan natin? Kasi bukas na yun eh!"-Kevin

"Huh? ano yun?"

"Diba nga may pupuntahan tayong party tapos ikaw yung magpapanggap na girlfriend ko?"

"Ah oo nga pala no! kailan nga ulit yan?"

"Bukas"

bukas???

bukas??

ay paulit-ulit?

teka may gagawi--...

AHHHH!! oo nga pala bukas din yung birthday nung pinsan ni Drei. Hala pano na toh? Yung pangako ko kay Kevin last week pa yun tsaka nangako ako sa sarili ko na lagi kong tutupadin yung mga promise ko. Pero paano naman yung mga bestfriends ko na napangakuan ko?

Anong gagawin ko???

Isip...

Isip...

ahhh alam ko na.

"Kevin pwede bang malate ako ng punta dun sa venue?"

"Okay lang naman. Ibibigay ko nalang sayo yung addres nung venue."

"Sige salamat."

"Wag ka ng magpasalamat..."

"Huh?"-ako

".. kasi ako ang sobrang thankful na dumating ka sa buhay ko.."

Ahh.. okay.. banat na naman

"Ay mali pala.."

"Bakit?"

"Kasi nakalimutan ko.. Ikaw nga pala ang buhay ko"

>///////<

Hindi na ba talaga matatapos yung mga banat nya?

Pero bakit nga ba ako magpapa-apekto ?

Eh kaya lang naman nya ginagawa yun kasi pampalubag-loob nya yun sakin.

And isa pa Max, LALAKI lang yan!

Bukas o makalawa magbabago rin yan. Pare-parehas lang sila.

"Max.."-Kevin

"Ano?"

"Lock ka diba?"

"Sabi mo eh."

"O sya pa-KEYS nga!" sabi ni Kevin sabay nguso kaya sinapok ko.

Napaka-pervert talaga nito.

"Hoy Kevin Ponce, hindi ka pa ba titigil sa mga banat mo na yan?.."-ako

"Eh akala ko ba gusto mong magpaka-corny ako?"

"Baka kasi sa sobrang BANAT mo ay TAMAAN na ako sayo."

Man-Hater Meets The CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon