Tween HEARTS 1

754 9 1
                                    

Habang nag-s-skateboard, hindi napansin ni Josh na may makakasalubong siya.

JOSH: Hoy tabi! (sigaw nito)

Sumigaw ang taong mababangga niya.

BAMBI: Aaaaah! (ipit na sigaw nito)

Tumilapon silang dalawa. Mukhang hindi naman masyadong nasaktan. Tumayo agad si Josh. Nagmagandang loob ito kay Bambi nang iaabot niya ang kamay pero binalewala nito. Agad namang tumayo si Bambi, kinuha ang mga gamit niya at...

BAMBI: Ano ba ha? 'Di ba bawal gumamit 'yan dito? (galit nitong tanong) hmmmp...

Nagtarayan lang ang dalawa. Bigla namang tinawag si Josh ng ate niyang si Rose.

ROSE: Josh? Ano ka ba? Halika na! Aalis na si Dad!

Tinarayan na naman ni Bambi si Josh. Kinuha na niya ang kanyang skateboard at sumama na sa kanyang ate.

ROSE: Wag na po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa kanya. (sabi nito sa mga magulang)

Habang si Bambi ay mapait parin ang mukha at nakatingin pa kay Josh.

BAMBI: Arrrrrgh! (inis na inis na sabi nito)

Bigla namang dumating ang mama ni Bambi na si Irene.

IRENE: Bambi? (tawag nito sa anak)

Pumunta ng Cagayan si Irene para sunduin si Bambi sa kanyang asawa na si Ted. Habang pauwi na ang mag-ina...

IRENE: Bambi? Napagod ka ba sa biyahe mo? Masyado kasing maaga 'no? At tsaka baka gutom kana? (kinuha ang pagkain habang si Bambi ay wala paring imik) Dinalhan kita ng ensaymada tsaka juice? (binigay ito pero hindi kinuha ni Bambi pero ngumiti lang siya) Sorry ha? Makulit ako 'no? Masaya lang kasi ako 'e na magkasama na tayo (hinawakan ang kamay ni Bambi) finally 'nak.

Naalala ni Bambi ang sinabi ng kanyang tatay bago siya kunin ng kanyang mama. Napaluha ito.

IRENE: Oh, Ba't ka umiiyak nak?

Umiling lang si Bambi na kunwari'y wala nangyari. Niyakap siya ng kaniyang mama.

Dumating na sila Bambi sa bahay at nangusisa ito sa bawat sulok ng bahay. At habang nagmamasid si Bambi,

KASAMBAHAY: Hoy, baka mamaya pasukan 'yan ng langaw ang bibig mo! Ikaw nakaka-nganga ka ha!

BAMBI: Naninibago lang po kasi ako eh. Kasi alam niyo, yung kusinang to' mas malaki pa don sa bahay namin sa Cagayan.

KASAMBAHAY: Talaga? Bakit ngayon ka lang ba nakapunta sa bahay ng Mommy mo?

BAMBI: Ehhhh... Matagal narin po naghiwalay sila Itay eh. Kaya, naiwan po ako sa kanya. Tapos si Ate Belinda lang po yung kinuha ni Mommy.

KASAMBAHAY: Eh, yung Ate Belinda mo, hindi mo parin nakikita?

BAMBI: Si Ate Belinda po?

KASAMBAHAY: Oo.

BAMBI: Matagal na po sila nag-abroad ni Mommy. Dati, kahit gustuhin man ni Itay, wala siyang paraan para matawagan nun si Ate. Kaya 'yun! Lumaki po akong walang kahit anong koneksyon sa kanila ni Mommy. Pero kelan lang, kinausap na po ni Itay si Mommy na papuntahin na po ako dito.

KASAMBAHAY: Ganun ba?

Tumango si Bambi. Dumating naman si Belinda.

BELINDA: Hey ? Barbara? (sabay sundot at nagulat si Bambi, dumiretso ito sa ref para kumuha ng maiinom)

BAMBI: (magwe-wave sana siya) Bambi, Bambi na yung tawag sakin.

Dumating naman si Irene.

IRENE: Belinda? Bambi? (hinawakan si Bambi) Ah, napag-isip-isip ko kasi na dapat siguro magkasama kayong dalawa magkapatid sa isang kwarto muna. Kaya yung room mo 'nak pina-ayos ko na sa maids ah, tapos ikaw na ang gagamit don sa pulang bed ng kapatid mo. Para makagbonding kayong dalawa.

Tween HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon