Tween HEARTS 3

177 5 2
                                    

*UPDATED*

IRENE: Bakit parang napaka-extreme ng lugar na pinagdalhan sa inyo? Alam niyo, kung ako ang tatanungin niyo, ayokong nandito kayo pero wala akong choice dahil ba, ayoko namang masuspende kayo eh, diba? Kung bakit naman kasi nakisali kayong dalawa dun sa gulong ‘yon? (pag-aalala nito sa mga anak) 

BELINDA: Ma? Hindi ka pa po ba tapos sa kaka-lecture sa’min? Kahapon ka pa po sermon ng semron sa’min eh? (pagka-bulol na sabi ni Belinda)

IRENE: Belinda, I’m just worried! Ilang lingo kayong mananatili dito at wala ako! Kakayanin niyo bang dalawa ‘yon?

BAMBI: Ako po! Kayo ko! Lumaki nga po ako ng maayos kahit hindi ko kayo nakakasama eh. (sagot ni Bambi)

BELINDA: Ano ‘yon? Anong sagot mo? (galit na tanong nito)

BAMBI: Ayoko lang naman kasi mag-alala si Mommy!

BELINDA: Eh, pabalang ka nang sumagot eh! Bastos ka na ha?! (pikon na sigaw ni Belinda)

IRENE: Belinda, that’s enough! (lumapit ito kay Bambi)

BAMBI: Sorry.

IRENE: Okay lang ‘yon! Naiintindihan kita Bambi. Gusto mo lang naman sabihin sakin na independent ka diba? Na-appreciate ko ‘yon! Thank you!

BELINDA: Ma? Bakit siya pa kinakampihan mo? Pinagtatanggol lang naman po kita. Ba’t ganyan, kinakampihan mo pa siya?

IRENE: Belinda, ang sinabi ko lang, hindi mo ba narinig? Ang sinabi ko lang naiintindihan ko siya.

BELINDA: Ma? Opo, sige! Siya lagi kawawa, siya nakaka-awa! Ma, papano ako? Bale wala nalang?! (umalis ito Habang nagdadabog)

IRENE: Belinda? Belinda? (tawag nito sa anak)

Dumating na sa camp si Chris kasama ang kanyang ninong.

TITO: I am so disappointed Cristopher! Ano ba talagang nangyayari sayo?

CHRIS: Sorry Ninong. Nagkatuwaan lang naman kami ng mga classmates ko eh.

TITO: Nagkatuwaan? Oh ayan! (tinuro ang camp) Ang layo ng inabot ng katuwaan niyo! Ang tindi! Ang layo! Ha? Pati school standings mo, ang laki ng apekto Christpher! Ano ba ang idinidik mo diyan sa utak mo palagi?

CHRIS: …na kailangan ko po lagging magporsige. Mataas ang expectation sa’kin ng parents ko.

TITO: Pasalamat ka nasa malayo sila, kun’di, sigurado makakatikim ka sa mga ‘yon! Tandaan mo Christopher ha? You cannot afford to lose a scholarship! Maraming taong nakapende sa Kinabukasan mo!

Biglang dumating si Leslie…

LESLIE: Hi! (sigaw nito) Ay! Ops! Medyo toxic ba ‘yong conversation niyo? Anyways, Hi Tito? How are you?

TITO: Hi Leslie. I’m fine. Pinagsasabihan ko lang ‘tong kaibigan mo para tumino! You too! Be a good influence to him!

LESLIE: Sure Tito! ‘Wag kang mag-aalala. Super babantayan ko ‘tong si Chris! I mean, kahit hindi na tayo, we still look at each other, right? (natahimik si Chris)

CHRIS: Tara na?

LESLIE: Let’s go! Bye Tito!

TITO: Bubye!

CHRIS: Bye Ninong!

TITO: Magpakatino ka ha?

Sabay na pumasok sa camp sina Leslie at Chris at umalis na kaagad ang Ninong nito. Habang sina Bambi... 

IRENE: Pagpasensiyahan muna ‘yong kapatid mo ha?

BAMBI: Dahil sa’kin, nag-away pa tuloy kayo ni Ate Belinda:

IRENE: Hmmm… Wala ‘yon! Alam mo hanggang ngayon hindi talaga sanay siya na meron siyang kahati sa atensiyon ko?

BAMBI: Ayoko naman po siyang agawan eh! Baka nga dapat bumalik nalang ako sa Cagayan.

IRENE: Bambi, ayaw mo ba talaga dito sa’kin?

BAMBI: Hassle po kasi sa inyo eh. Lalong-lalo na po kay Ate Belinda.

IRENE: Hindi ka hassle, hindi ka hassle Bambi! Masasanay din siya. Alam mo ngayong nandito ka na at dalawa na kayong aalagaan ko, kailangan niyang tanggapin ‘yon. Pasensiya ka na rin, kasalanan ko ‘to lahat eh. Inispoil ko ‘yong kapatid mo. Siguro dahil ‘yon lang ‘yong paraan na alam ko para makabawi ako.

BAMBI: Sa pag-iwan niyo sa’kin?

Napahinto sa pagsalita si Irene.

IRENE: Ahmm.. Alam kong Malaki ang pagkukulang ko sayo Bambi. I tried pero…

BAMBI: Okey lang po yun. ‘wag na po kayong magpaliwanag. Ang ayoko naman po yung guluhin kayo eh.

IRENE: Hindi ka nakakagulo sa amin ng kapatid mo! Tayong tatlo pare-pareho parin tayong nag-aadjust sa isa’t isa. Alam kong mahirap, but I always pray na, magiging okey tayong tatlo. At higit sa lahat, dinadasal ko na sana isang araw, mabuo yung pamilya natin.

BAMBI: Hindi ko po alam kung mangyayari pa yun eh?

Yinakap ni Irene si Bambi

IRENE: (habang inaayos ang buhok ni Bambi) Alam mo ‘nak, mahal na mahal kita. Sana nakikita mo yun. Sana nararamdaman mo.

BAMBI: Okey na po yun.

IRENE: Sige. Puntahan ko muna yung kapatid mo ha? Pagkatapos, aalis na ako. Ingat ka dito ha?

Yinakap si Bambi at agad naman itong umalis.

Habang si Belinda ay nagmumukmok sa isang bahay na kung saan nila dinala ang kanilang mga gamit. Naka-upo ito habang nag-iisip. Nakita naman siya ni Jacob ng bumaba ito hawak ang gitara. Nilapitan niya si Belinda. 

JACOB: Hi Belinda?

Hindi pinansin ni Belinda si Jacob at agad itong umalis sa kanyang inu-upuan. Susundan sana ni Jacob si Belinda ng bumaba at tinawag siya nila Aya at Luisa.

LUISA: Jacob? Saan ka pupunta? Kailangan nating mag-usap tungkol sa plan of action natin!

JACOB: Plan of action?

AYA: Eh, gusto kasi ni Luisa umapila tayo kay Ms. Rose tsaka sa Disciplinary Board eh.

LUISA: Guys, mga inosente tayo dito! Hindi tayo nagplan ng party, hindi tayo nanggulo sa party, we are merely casualties of war!

JACOB: War talaga? (With high pitch voice) Luisa, nandito na tayo! Eto na yun! Kung meron mang dapat sisihin, ikaw yun! (diin nito) Dahil niyaya mo kami ni Aya mag-gate crash! Tingnan mo nangyari? Sabit tayo!

AYA: Tama na nga yan! Masyado naman kayong BV eh! Para recollection lang naman ‘to, ano namang masama kong nandito tayo? Alam niyo guys, were here to relax, ma-appreciate yung nature, were here to regroup. Alam niyo, namnamin nalang natin yung moment. Let’s just have fun! Tara?

Taliwas sa sinabi ni Aya ang sinabi ni Coach A, ang kanilang magiging coach sa recollection na ito.

COACH A: You are not here to have fun, you are not here to enjoy! ‘Di ito bakasyon at hindi rin ito holiday. Lalong hinding-hindi ito isang retreat! Kaya kung ako sa inyo, itatabi niyo mga cellphones niyo, laptops, radios, iPods, and any form of communication. Nandidito na kayong lahat! Pag-aari ko kayo! This is not a recollection! Isa itong kampo! I’ll ripped you all into shape! You useless, worthless files of troops! You will all change! Dalawa lang ang kakahantungan nito, its either you shape up or you ship out!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tween HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon