Chapter 6

111 0 0
                                    

"Yanica Gising!"

"Omg! Yanica?"

"Tawag kayo sa clinic bilis!!"

"Dumudugo!!"

"Yanica can you hear me????!"

"Tawagin nyo si Rj sa court dali!!""

"Yanicaa.."

"Dalhin naten sa clinic dali!"




*********



"Ano ginagawa mo jan? Bakit parang di ka mapakali."

"Kinakabahan na ako."

"Ha? Bakit? Teka. Huwag mo sabihin na!?!"

"Oo. Mag tatake risk na ako."

"Hoy! Seryoso ka na ba jan?!"

"Oo. Ngayon ko lang naramdaman to Lucas.."

"Pero hind--.."

"Oo alam ko. Walang kasiguraduhan."

"Hindi ka ba natatakot sa gagawin mo?"

"Nakakatakot, pero ayoko na dito."

"Ayoko kasi matulad ka sa iba na nag take risk and unfortunately, they failed. Alam mo yun."

"Pero meron iilan na hindi binigo ng pagibig db? At naniniwala ako dun."

"E bakit mahal ka ba niya? Kilala ka ba niya?!"

"Teka natatakot ka ba na mareject ako ng babae?"

"Natatakot ako na mamatay ka. Okay na tayo dito. Dito nalang tayo."

"Di ba matagal na kong parang patay? Ayoko na dito."

"Oo pero, mas natatakot akong mamatay ka ng tuluyan.."




****

"Array! Nasan ako? Yung balikat ko.."


Nasan ba ako? Ang lambot ng hinihigaan ko..

Ang taray ah? Nasa isang kwarto ako na malaki, maganda at mukhang kwarto sa isang palasyo? What the nasa hotel ba ko?

Puting kurtina na may gintong bintana?!  Maganda talaga tong kwarto na to.

Asan ba ako?

"Shit wala ako maalala." Tumayo na sa kinahihigaan ko.

Pumunta ako papalapit sa napakalaking bintana at hinawi ko yung kurtina. Nagulat ako ng makita ko na parang nasa loob ng kuweba ang kwartong to.

Nasan ba ako? Ang huling na-aalala ko ay nasa coliseum ako?

 "Ay! Tae!community service namin pala bukas kailangan kong pumunta ng bambang at bumili ng mga gamit. Shit nakalimutan ko. Si Rj kasi inaya pa ko panoodin siya eh" Napatingin ako sa malaking orasan na kulay ginto na nakadikit sa pader.

11:00PM NA?! 

Lalabas na sana ako pero naunahan ako. May nagbukas ng pinto at dahandahan na sinara to.

Hindi ko makita yung mukha niya dahil madilim sa parte na kinatatayuan niya.

Dahan-dahan siyang lumapit. Napa-atras ako dahil nanlilisik ang mga mata niya. Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay lumalayo ako. Hanggang sa napansin ko na lang na nakadikit na ang mga likod ko sa malamig na pader ng kwartong ito.

R.I.P. JasperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon