Hanggang Wakas

11 2 0
                                    

Hanggang Wakas

Prologue

"Break na tayo. Di na kita mahal dahil meron na akong mahal na iba." 'Yan ang mga katagang huli kong narinig sa kanya. Napakasakit kung marinig mo pa ito sa taong mahal mo. Kahapon lang ang saya-saya namin pero ngayon naging ganito na. Napakasakit isipin, napasakit lalo na sa puso. I'm not prepared for this. 1 year na kami at kakaanniversary lamang namin noong isang linggo. Ginawa nya lang bang memorable at masaya ang araw namin bago nya ako hiniwalayan? Ano bang ginawa ko sa kanya kung bakit sinasasaktan nya ako ng ganito. Hindi ito maaari. Hindi ko kakayanin kung wala siya sa buhay ko. Kailangan kong gawin ang lahat para maging kami ulit. At ang tanging paraan lamang ay alamin kung sino ang sumira sa relasyon naming dalawa.

Tulala pa rin ako kahit sa klase. Napupuna na nga ako ng mga instructors namin dahil sa mga inaakto ko eh. Unusual daw kasi sa akin yun. Lagi kasi akong aktibo sa klase. Sigurado nga daw sila na ako yung Top 1 ng batch namin eh. Tapos ngayon parang hindi na sila sigurado kung ganoon ang mangyayari. Masyado kasi akong apektado sa naging break-up namin ni JC. Sobrang mahal ko kasi sya. Kasalanan bang magmahal ng sobra? Kahit alam mong masasaktan ka lang sa huli kapag hiniwalayan ka ng boyfriend mo. Ganoon talaga yata ang mga nagmamahal ng sobra yung tipong walang itinitira para sa sarili. Kaya yun, katulad ko mas masakit sa akin.

"Hayy.." napabuntong-hininga na lang ako. Napakabigat ng pakiramdam ko. Parang tutulo na nga ang luha ko pero ayaw kong ilabas kaya nagkakaganito ako. Maya-maya may tumabi sa akin. Kaklase ko.

"Napapansin kong iba ka na sa dati? May nangyari ba sa inyo ng boyfriend mo? Base sa kinikilos mo hiniwalayan ka ng boyfriend mo? Kung gusto willing ako mapaglabasan ng nararamdaman mo. Alam ko kasing iyon ang kailangan mo. H'wag kang mag-alala mawawala din 'yang sakit na nararamdaman mo." Sa pagyakap nya at pagtapik sa aking balikat ay tuluyan ng naglabasan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

"Ang sakit-sakit ng puso ko, Mercy. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala naman di ba? Ang saya-saya pa namin tapos-tapos--" napapahikbi na ako sa kakaiyak.

"Iiyak mo lang yan. Hindi gagaan ang iyong kalooban kung pilit mo itong pinipigilan. Ilabas mo lang lahat para kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman mo." Iyak lang ako ng iyak. Tila di nauubos ang luha ko. Nakisabay pa ang ulan sa pag-iyak ko. Nakikiramay talaga sa akin. Sa kakaiyak ko, medyo umayos na rin na ang pakiramdam ko.

"Salamat, Mercy ha. Salamat at nandyan ka kahit hindi tayo masyadong close."

"Ano ka ba wala yun. Sino ba naman ang hindi magtutulungan kundi tayu-tayo rin. Basta call my name and I'll be there. I'll be your shoulder when you can't handle the pain. And I'll be your friend forever."

"Maraming salamat talaga sayo, Mercy. Kung wala ka pa'no na kaya ako ngayon. Sana matagal na kitang naging close para naging magbestfriend tayo."

"Hindi ba pwede?"

"Pwede naman. Simula ngayon bestfriend na kita Bhestie."

"Bhestie forever!!" Muli ay nagyakapan kami. Hay ang sarap sa piling na may bestfriend kang nasa tabi mo para masandalan mo sa panahon ng halos di mo na kayanin ang lahat.. Kaibigan laging nandyan sayo para ikay damayan. Di mo katulad. Binigay ko na nga lahat sayo, sa huli pala ay iiwan mo lang pala ako

SS#1: Hanggang Wakas (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon