HW1

11 2 1
                                    

Chapter 1: Sinundan pa kasi

"Bhestie sigurado ka bang ayaw mong sumabay sa akin? Magkaparehas naman ng way yung papunta sa bahay namin at sa inyo."

"Bhestie h'wag na nakakahiya sa iyo. Baka magasgasan ko pa iyang kotse mo."

"Ano ka ba? Bhestie. I'm not kind of person no. Hindi ako katulad ng napapanood mo sa telenovela. Kaya h'wag kang mag-alala. Ano ka magaspang na bagay at magagasgasan mo itong kotse."

"H'wag kang mag-alala sa akin. Ayos lang ako. Pati may pupuntahan pa ako."

"Sasamahan kita wala naman akong gagawin eh."

"Baka matagalan ako. Maiinip ka lang Bhestie." Tinutulak ko na sya sa may kotse nya.

"Ayos lang ako Bhestie. Kaya ko sarili ko."

"Hay oo na, Bhestie. Kahit anong pilit ko naman eh hindi ka papayag. Hwag mo kong sisisihin ha kapag nasaktan ka."

"Nasaktan? Hindi ako masasaktan ano? Ano yun dadagdagan ko pa yung sakit na nararamdaman ko ng dahil-- Hay basta umuwi ka na hwag mo na kong alalahanin."

"Sabi mo yan ha. Ingat ka ha. Take care. Don't let anyone hurt you okay?"

"Sige sige. Bye!"

Umalis na sya.

Sa totoo lang uuwi na sana ako pero nagbago ang isipan ko kanina lang ng maalaala ko na naman ang katagang sinabi nya.

"Break na tayo. Di na kita mahal dahil meron na akong mahal na iba."

Gusto kong malaman kung sino ang sinasabi nyang mahal nyang iba.

Gusto kong malaman kung sino ang sumira sa aming dalawa.

Para malaman kung sino sya.

Kelangan ko syang sundan para malaman kung sino ang ipinalit nyang iba.

Nagtago ako sa may poste na malapit sa gate. Na tamang tama para di nya ako makita. Nakita ko syang lumabas ng gate at sumakay sa kotse nya. Kaya naman agad akong pumara ng taxi para sundan sya.

"Manong pakisundan po yung black na kotse na yun?"

"Ma'am Boyfriend nyo po?"

"Manong hwag na po kayong masyadong magtanong basta po pakisundan na lang po. Magbabayad naman po ako kahit magkano."

"Sige po Ma'am"
---

Tumigil sa isang restaurant yung kotse nya. Lumabas sya sa kotse nyang nakasuit na. Nag-iba suot nya kesa kanina. May driver naman sya at kahit magbihis man sya sa loob ng kotse hindi sya maaaksidente. Pinatigil ko yung taxi-ng sinasakyan ko pero slight na malapit para pag bumaba ako ay hindi nya ko mapapansin.

"150 po Ma'am. Malayo po kasi eh. May konting discount na po yan dahil estudyante po kayo."

"Salamat po Manong. Sorry po kanina sa inasal ko. "

"Wala po yun Ma'am."

"Eto po bayad. Keep the change na lang po."

"Nako hwag na po Ma'am. Susukli--"

"Tanggapin nyo na po ito makabawi man lang po ako sa inyo"

"Salamat po dito Ma'am malaki na rin po itong tulong sa aking pamilya salamat po."

"Wala pong anuman ingat po kayo."

"Sana po magkabalikan po kayo ng bf nyo Ma'am."

Paano nyo po nala-

Nawala si Manong pati yung sinakyan kong taxi?

Nagdedeliryo na yata ako eh. Nevermind.
Mayroon pa akong misyong kailangang gawin.

To know who is the person that he loves? The reason why we broke up suddenly?
And the reason why my hearts feels so much pain right now.

Im looking for him. Where is he? And all of a sudden. Tumulo ang luha ko. This can't be?? Ang tanga tanga mo talaga Mia. Bakit sinundan pa kasi. Ayan nasasaktan ka tuloy ng sobra. 

Tang-inang pag ibig to nauso pa.

SS#1: Hanggang Wakas (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon