Chapter 2: Time to moved on
Mia's POV
Napakasakit, nakakapanghina. Bakit kasi sinundan ko pa. Ayoko ng magpakatanga sa kanya. Lalo lang akong masasaktan kung patuloy ko pang ipipilit ang sarili ko sa kanya.
Mabuti pa itigil ko na ang kahibangan kong ito. Wala rin naman akong mapapala.
Di ko na sila nilapitan pa.
Ayokong magmukha naghahabol.
Ayokong maging cheap na babae.
Wala na namang kwenta yung pag ibig ko sa kanya.Lalot na may iba na sya, at hindi na ako.
Mia, wala na.
Di na maibabalik pa sa dati ang lahat.
Iyon ang napakapait na katotohanan na kailangan kong tanggapin.
Na di talaga kami para sa isat isa.Makauwi na nga.
So much for my stupidity.**
Kinabukasan. Pinilit kong iwasang isipin ang kahapon pero wala nangyari. Its keeping haunting me. No matter I try to forget it.
I know na lalo ko lamang sinasaktan ang sarili ko sa mga pinaggagawa ko pero wala mahal ko talaga sya!
Tumutulo ang mga luhang gustong pigilan pero kahit anong gawin kong pagpigil dito ay patuloy parin ito sa pagragasa.
Ayoko na. Pero kahit anong gawin ko hindi mawala ang sakit na iniwan nya.
Nag iwan ito ng sugat na kelan man hindi na maghihilom pa.
"Oh bhestie umiyak ka naman. Hay h'wag mo na syang iyakan. Hindi mo worth masaktan ng ganyan. 'pag nakita ko talaga yung lalaking yung naku-naku pagpipira-pirasuhin ko sya ng pinung-pino" Ginugutgot nya yung hawak nyang papel. Natawa na lang ako sa kanyang mga sinabi, ng dahil sa kanya naibsan ang sakit na aking nadarama.
"Salamat talaga Bhestie, lagi ka nandyan para sa akin."
"Wala yun, ano ka ba Bhestie!"
"Hoy, Mercy! Kakalinis ko laang eh. Nagkalat ka na naman. Linisin mo yan!"
"Opo Madam Michi!" Napatawa na lamang ako naggutgot kasi ng papel napagalitan ni Michi, our President.
It's time to move with no hesitation. Even it's hard to forget him.
---
"You're improving Mia, unti-unti mo nang naibabalik ang sigla mo sa klase, anong nakain mo? haha de joke lang. Keep it up, so para makabalik ka na sa ranks, napakalaki ng expectations ko sa 'yo kaya wag mong sayangin. Kung ano man yang problema mong yan, you deserve better not like him.." Paanong nalaman ni Sir De Torres yun?
"Kahit di mo sabihin alam ko yun. Nagdaan na ko dyan. Mahirap alisin ang nakasanayan na, Mia. So kung gusto mo talaga makalimutan sya, Divert your atensyon sa pag-aaral. It's an effective way to moved on.." napaisip ako sa mga sinabi ni Sir De Torres, tama ang mga sinabi nya, bago sya umalis ay nginitian nya ko at nagpaalam na may klase na sya.
BINABASA MO ANG
SS#1: Hanggang Wakas (Short Story)
Short StoryBased on the poem "hanggang wakas at hanggang wakas pa rin" from ocosap compilation Short Story #1: Hanggang Wakas