Chapter 16 - The Man Who Can't Be Moved

73 5 2
                                    

July 24, 20**

AUDREY'S POV

Matapos yung malungkot na performance ng Shooting Star, sabay-sabay pa rin kaming umuwi kaya lang iba yung atmosphere. Walang umiimik ni isa, kahit nga si Kingston na makulit di nagsasalita eh. Tapos kahit pauwi na kami kagabi, parang may kung anong kumikirot dito sa dibdib ko lalo na kapag naaalala ko yung itsura ni Jason habang kumakanta siya.

Nandito pala ako ngayon sa school, vacant ko kaya pagala-gala lang ako. Si Twyla, ayun pinapakain niya mga alaga niya sa tyan at si Jason naman, ewan...bigla na lang siya lumabas agad sa room. Pansin ko rin na iba pa yung mood niya kanina tapos malalim pa yung iniisip niya at lagi pang tulala. Buti na lang, wala kaming graded recitation at quiz kanina kundi lagot siya.

Dahil ako lang mag-isa, palakad-lakad lang ako dito sa campus, para tuloy akong gumagawa ng MTV. Naalala ko, tutal medyo mahaba naman vacant namin, matutulog muna ako saglit. Di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Di ko alam kung bakit eh, pero iniisip ko kasi yung nangyari kay Jason at dun sa ex-girlfriend niya, dagdag mo pa dun yung pag-aalala ko sa health ko. Baka kasi di na ko magising kinabukasan kasi baka atakihin ako sa puso. Ayaw ko pa namang mamatay, di ko pa masyadong na-e-enjoy at na-e-explore yung mundo >.<

Palakad-lakad lang ako hanggang sa makita ko na yung hinahanap ko, yung Music Room. Agad naman akong pumasok at  pumunta sa kaliwang parte ng Music Room tsaka natulog.

**

♫Some try to hand me money, they don't understand

I'm not broke I'm just a broken hearted man

I know it makes no sense, but what else can I do

How can I move on when I'm still in love with you~

Nagising ako kasi may naririnig akong kumakanta habang nag-gi-guitara. Parang galing sa sulok, sa bandang kanan. At dahil umiiral yung pagiging curious ko, tiningnan ko kung sino yun.

♪'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you'd see me waiting for you on the corner of the street~

Dahan-dahan akong lumalapit dun sa pinanggagalingan ng boses. Actually, gumagapang ako ngayon -__- Pero seryoso,familiar yung boses niya. May kutob ako kung sino siya.

♪So I'm not moving

I'm not moving~

Shocks! Ano ba naman yan, feeling ko matatapos na yung kanta pero di pa rin ako nakarating dun sa kabilang side ng Music Room. Bakit ko ba kasi naisipang gumapang?! >_<

♫Policeman says son you can't stay here

I said there's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year

Gotta stand my ground even if it rains or snows

If she changes her mind this is the first place she will go~

Medyo konti nalang yung lalakarin ko este gagapangin ko. Lumalakas lalo yung boses ng kumakanta.

♪'Cause if one day you wake up and find that you're missing me

And your heart starts to wonder where on this earth I could be

Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet

And you see me waiting for you on the corner of the street~

Finally, nakalapit na rin ako kaso nagtatago ako sa mga chairs na nandito. Tama nga hinala ko,si Jason nga ang kumakanta. Nakapikit siya habang kumakanta, yung bang damang-dama niya yung song. Parang siya yung the man who can't be moved na naghihintay pa rin hanggang ngayon sa taong mahal niya.

♫So I'm not moving

I'm not moving

I'm not moving

I'm not moving~

Nabigla ako nung bigla siyang tumigil sa pag-strum sa guitara at tumingin sa gawi ko.

"He-he-he" sabi ko habang umaalis sa pinagtataguan ko kanina at lumapit sa kanya. Isa lang masasabi ko, awkward >__<

Tinap niya yung tabi niya na para bang binibigyan niya ko ng permiso na umupo sa tabi niya,kaya umupo na rin naman ako.

"Sorry kung naistorbo kita," sabi ko pagka-upo ko sa tabi niya.

"Hindi naman," sagot niya at ngumiti ng pilit.

"Favorite mo ba yung The Script?" pag-o-open ko ng topic

"Hindi naman"

"Ah"  

 *silence*

Ano ba Audrey! Umisip ka ng bagong topic niyo.

"Pwede bang matulog ako kahit sandali?" tanong niya. Inistretch ko naman yung legs ko at tinap yung lap ko. Agad na rin naman siyang humiga. Di ko mapigilang hawakan yung buhok niya, gusto ko kasing laruin ito, kala ko nga magagalit siya kasi halos lahat ng lalaking kakilala ko ayaw ipahawak yung buhok nila. Di ko namalayan na nakatulog na pala siya. Tiningnan ko yung mukha niya, mukha talaga siyang occupied.

Ganun ba talaga yung epekto nung ex-girlfriend niya? Bakit kasi di niya mabitawan yung nakaraan? Sabi nga nila, move on and look forward. Haay! Buti na lang wala akong problem diyan sa love-love na yan. Ang problema ko ngayon yung sakit ko sa puso, tulad ngayon, nararamdaman ko na naman yung kirot.

Lord? Ayaw ko pa Pong mamatay, healthy naman Po ako ah tsaka may promise pa Po ako sa lalaking to, di ko Po siya iiwan.

Kailangan ko na talagang magpacheck up mamaya para di na to lumala.

_______________________________________________

A/N: Sorry for being inactive, masyado kasi akong busy sa school lalo na graduating (highschool) ako. Thank you pala sa mga nag-add sa reading list nila nitong IITLFTTOF. KOMAWO!~

Thank you rin sa mga naghihintay (meron nga ba? XD) ,nagvovote and comment. ^^

Vote and Comment naman para mainspired ako.

5 Votes and Comments. Please? haha! Late Christmas gift niyo nalang sakin yun. thankyou! :))

God Bless! ^^

Multimedia part : nung nagtatago si Audrey habang tinitignan niya si Jason na kumakanta -->

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Is It Too Late For The Two Of Us? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon