Chapter 13 - Friends?

64 1 0
                                    

July 15, 20**

AUDREY'S POV

Nagising ako dahil sa mga sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Di siguro nasara ni PG kagabi yung kurtina -__-' Tumayo na ko pero bilang kumirot yung paa kong natapilok kahapon, di na naman masyadong masakit..konti nalang tsaka kaya ko ng maglakad pero kailangan hinay-hinay lang.

Speaking of PG, nakita ko siyang natutulog sa couch kaya kinumutan ko siya gamit yung kumot ko. Oy! Di ako concern sa kanya...kaya ko lang naman siya kinumutan kasi di ako marunong magtupi ng kumot. Sympre kapag nagising siyang gamit ang kumot ko, titiklupin niya yun sa ayaw o sa gusto niya. Haha! >:D

Maya-maya rin nagising na si PG.

"Kinumutan mo ko?" siya habang kinukusot pa yung mata niya.

"Oo, bakit angal ka? -_-"

"Hehe. Sabi na nga ba eh, type mo ko noh?"

"Spell ASA! kinumutan lang naman kita para paggising mo ikaw ng magtutuklip niyan. ~_^" sagot ko

"Sus! Pasimple ka pa eh. Aminin mo na kasi," sabi niya ng may nakakalokong ngiti

"Whatever!" sabay irap ko sa kanya. Iniwan ko na si PG, baka kasi magkapikunan pa kami. Binuksan ko na yung tv at umupo na sa sofa.

Bigla namang umupo sa tabi ko si PG. "Wala ka bang naaalala? ^__^" tanong niya sakin.

"Wala?" -__- sagot ko naman habang nakatingin parin sa tv

"Talaga? ^__^"

"Oo nga. -__-" at pumunta na siya sa kusina. Maya-maya bumalik na naman siya, "sure ka ba talaga? ^__^" tanong na naman niya.

"Oo nga. Ano bang meron? -__-" medyo iritabling sagot ko sa kanya. Ano ba kasing meron, kung magtanong kasi tong PG na to kala mo may nakalimutan ako.

"Ah eh. Wala naman. Ha-ha." at lumabas na siya sa room namin.

JASON'S POV

Pagkalabas ko sa room namin, bigla namang nag-ring yung phone ko, video call.

Stanley callling...

AKO: May problema ba?

STANLEY: Wala bro. Everything's in order.

AKO: Okay. Good.

Bigla namang inagaw ni Kingston yung phone kay Stanley.

KINGSTON: Yow dude! Can't wait for the part---!! *booogssh* Opss! Sorry Stanley. HA-HA-HA-HA!

AKO: -__-

Sa sobrang kahyperan niya, nabasag niya yung vase nila Stanley na collection ng mama niya. -__-'

KRYPTON: Bro! Longtime! Madami bang chix? Can't wait to----ARAAAAAYY!! F*CK!

KINGSTON: Chix na naman?! Tumatanda ka na di ka pa magtino!

AKO: =__='

Haaay! Nagbabangayan na naman yung magkapatid. Piningot ni Kingston yung tenga ni Krypton at sa tingin ko masakit talaga yun kasi sobrang namula. Hahaha!  As usual parang si Kingston ang matanda sa kanilang dalawa pero ang totoo si Krypton naman. -__-

Buti nalang kinuha ni Stanley yung phone niya kay Krypton.

STANLEY: I'll call if problem occur.

*toot toot toot*

Pagkatapos nun, pumunta na ko sa ground floor ng hotel at naghanap ng coffee shop.

**

"Nanunuod ka pa rin dyan?" tanong ko kay Audrey. Pagbalik ko kasi sa room namin, nakita kong nanunuod siya ng japanese cartoon na palaka. =__=

Is It Too Late For The Two Of Us? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon