Chapter 1 - T

12 2 1
                                    


//Third Person's Point Of View

"Congratulations Graduates!"

Hindi na pinatapos ni Ynah ang sinasabi ng kanilang Principal at agad ng hinanap ang kanyang mga magulang.

Patakbo siyang lumapit sa kanyang ina at niyakap ito, at ganon din ang ginawa ng kanyang ina.

"Congratulation Ynah." masayang bati sa kanya ng kanyang ama.

Hindi mapawi ang ngiti sa labi ng kanyang mga magulang hanggang sa sila ay makauwi sakanilang bahay.

Masayang ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang kanyang pagtatapos ng elementary kasama ang kanilang mga kasama sa bahay. At nagdadasal na sana hindi na matapos ang kanilang kasiyahan.

Habang sila ay nasa kalagitnaan ng kasiyahan ay tumayo saglit ang kanyang ina at sabing may kukunin lang ito. Nagtaka naman si Ynah kung ano ang kukunin ng kanyang ina kaya tumingin siya sa kanyang ama, pero nginitian lang siya nito. Dahil doon bumalik na lang siya sa pagkain.

At ilang sandali pa ay bumalik na ang kanyang ina na may nakatago sa kanyang likuran. Nagtatakang tiningnan niya ang kanyang ina ngunit nakangiti namang lumapit ito sakanya.

"Mama ano po yan?" tanong niya sakanyang ina. Ngunit nakangiti lang parin ito sakanya.

Pagkalapit niya dito ay nilabas niya ang maliit na box na hawak niya at pinakita ito sakanyang anak.

"Gift namin ito sayo ng papa mo, Ynah" nakangiti parin ito habang sinusuot sakanya ang maliit na kwintas.

"*sniff* Ma-ma *sniff* Pa-pa th-thank you p-po." mangiyakyak na niyang sabi sakanyang mga magulang. Lumapit naman agad sakanya ang kanyang ama at pinunasan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Shhhhh. Tahan na wag ka ng umiyak." sabi ng kanyang ina at niyakap siya. Lalo pa siyang napaiyak ng todo ng yakapin din siya ng kanyang ama, kaya napatawa nalang ang kanilang ibang kasama.

"Ineng, Ynah sabi nga ni Ma'am ay wag ka ng umiyak ay bakit kapa lalong umiiyak diyan?" sabi ng kanilang katulong na si Manang Nell. Dahil sa sinabi niya napatawa naman ang mag asawa at si Ynah, at dahil din doon ay nabatukan siya ng kanyang katabi.

"Ay ano kaba naman Nell. Panira ka naman ng moment nina Ma'am." napatawa lalo ang mag asawa dahil sa sinabi ng kanilang driver sa kanilang kasambahay. Napahawak naman sa ulo ang kanilang kasambahay at napangiti dahil doon.

Napuno ng ingay ang kanilang bahay dahil sa kanilang tawanan at lahat ng napapadaan doon ay napapatigil at napapatingin na lang sa kanilang bahay. Napapangiti nalang ang iba dahil sa naiisip nilang napakasaya naman ng mga tao sa loob, pero ang iba ay napapatakbo nalang sa takot dahil sa papatay sindi ng ilaw sa loob.

Habang ang mga nasa loob ay tawa pa rin ng tawa dahil sa ginagawa ni Manag Nell at ng kanilang driver na ngayon ay nakaupo na sa sahig at hinahabol ang paghinga.

Napatigil lang sila sa pagtawa ng biglang tumunog ang kanilang telepono. Kinuha naman agad iyon ni Ynah na nakipag unahan pa kay Manag Nell na sagutin ang tawag.

"Hello po?? Sino po ito??" sabi niya dito.

"Hello Ynah!!" sigaw ng matinis na boses sa kabilang linya.

"Abby!! Wag ka ngang sumigaw!!" balik niyang sigaw dito.

"Wag ka ring sumigaaaaaw! Ang saaakiit sa tengaaaa!"

"Sabing wag kang sumigaw! Bahala ka bababaan kita dyan!"

"Hihihihi hindi na nga. Ay nga pala Ynaaah samahan mo naman ako bukas ohh?"

"Eh? Saan naman? Kakagraduate lang natin ah may pupuntahan kana agad?"

"Hihihihi inimbitahan kasi ako ni Jerome para sa birthday party niya bukas eh---"

"Tapos wala kang mayaya kaya ako na lang isasama mo? Ganon?"

"Hihihihihi ganon na nga. Kaya plssss samahan mo na ako---"

"Ayoko atsaka alam mo namang di ako papayagan ni ma---"

"Hihihihi tungkol dun nagsabi na pala ako kela tita at pumayag naman sila hihihihi."

Napatingin naman si Ynah sakanyang mga magulang at nakangiti ito sakanya. Bumalik naman ang atensyon niya sakanyang kausap.

"Nagsabi kana pala eh. Eh bakit nagtatanong kapa?"

"Hihihihi naninigurado lang kung pupunta ka."

"Hay. Alam mo namang di ko matitiis ang bestfriend ko diba? Kaya syempre sasamahan kita."

Napatili naman ang kausap niya kaya muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang telepono.

"ABBYYY!!!"

"Hihihihi bye bestfriend! Punta ka ah Love youuuu muaaah!"

"ABBYY WAG KA SABING----"

Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay agad naman siyang binabaan ng kanyang bestfriend. 'Hayst. Pano ko ba naging bestfriend yun?' Napabulong nalang siya sa sarili niya. At bumalik na sa mesa.

"Si Abby ba yun?" tumungo nalang siya bilang sagot sa kanyang ina. Napangiti nalang ang kanyang ama sa kanyang reaksyon ng bumalik siya sa pwesto niya.

"Hahaha makulit talaga ang batang yon." napatungo nalang ulit siya sa sinabi ng kanyang ama.

Pagkatapos nilang kumain ay nakaramdam na agad ng antok si Ynah kaya pinaayos na ng kanyang ina ang mga kalat nila kanina. Umakyat na agad si Ynah sa kanyang kwarto pagkatapos niyang magpaalam sa kanyang mga magulang namatutulog na siya.

Pero bago siya matulog ay hinanda niya muna ang kanyang susuotin para sa dadaluhan niyang birthday party sa susunod na araw. Hinanda niya ang bagong biling dress sakanya ng kanyang ama at ang iba pang maaari niyang suotin bukas.

Pagkatapos nun ay nahiga na siya at tinanggal ang suot niyang kwintas. Hawak hawak niya ito at abot tenga ang mga ngiti dahil sa hindi lang ito simpleng kwintas dahil sa regalo ito ng kanyang mga magulang at dahil narin sa sobrang ganda nito lalo na pagnatatamaan ng ilaw. At dahil doon ay natulog siya ng may ngiti sakanyang labi.

_________________________________

Sorry for the lame update and sorry kung natagalan yung pag update masyado lang busy sa mga gawain sa school  (┳Д┳)  buti nakasurvive pako (┳Д┳) but thanks sa pagbabasa.

     - Däwn

The Truth Behind These LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon