Chapter 2 - H

13 2 0
                                    

5 Years Later...

Alexandra Ynah's POV

"Hey Alex!" napatigil ako sa paglalakad at hinarap yung tumawag sakin.

"What?" medyo naiiritang tanong ko sakanya. Tsk ano ba yan mal-late na nga ako oh.

"Sungit. Pinapabigay lang ni dad sayo oh." ano ba yan magkasabay na nga kami kumain hindi pa binigay kanina.

"Thanks sige." paalam ko sakanya at sumakay na sa kotse.

Agad namang pinaandar ni Mang Drayber ang kotse at pinaharurot na ito palabas ng gate. Nakaramdam siguro na naiirita ako dahil late nako sa first subject ko.

Napatingin naman ako sa maliit na papel na hawak ko at binasa ang nakasulat dun. Ano ba yan may nalalaman pang sulat sulat si Dad and dami talagang alam nun. Hindi nalang niya sinabi kanina eh magkasabay naman kaming kumain.

Napailing iling nalang ako at nilagay nalang iyon sa loob ng bag ko. Hayst bigla naman akong kinabahan ng onti onti ko ng natatanaw yung bagong school na papasukan ko. Ngayon nalang ulit ako makakapasok after 5 years.

Sa loob ng 5 years na yun nagh-home study lang ako, naghire ng tutor ko si dad at yung iba namang subject si kuya na yung nagtuturo. Mangha rin ako kay kuya kasi hindi lang pala kahambugan ang alam kundi matalino din pala yun.

At sa loob din ng 5 years na yun hindi lang ako puro aral dahil tinuruan din ako ni Dad at kuya ng iba pang bagay. Malaki ang utang na loob ko sakanila lalo na kay Dad kasi kung hindi dahil sakanya ay baka isa nako dun sa mga kabataan na binebenta ang katawan para lang mabuhay sila. Dahil sa kanya buhay pako, dahil sakanila hindi ko na ulit naramdaman ang mag isa.

"Aish!" pinunasan ko agad ang mga luha kong malapit ng tumulo. Ano ba yan naiiyak na naman ako.

"Miss nandito napo tayo." nagpasalamat na ako kay Manong Drayber at lumabas na sa kotse.

Paglabas ko wala ng mga estudyante na naglalakad papasok. Napatingin ako sa orasan ko at 9:30 na?!

"The fudge late nako!"

Tumakbo nako papasok at tinungo yung daan papunta sa room ko. Kahit hindi ko pa masyadong saulo yung daan alam ko naman yung room ko at the fudge ngayon ko lang naalala nasa 5th floor nga pala yun at nasa dulo pa. Lalo ko pang binilisan yung takbo ko hindi ko na pinansin yung mga sumasaway sakin basta ang mahalaga ay ang hindi nako malate sa second subject ko.

Pagkarating ko ay kakasara lang ng pinto, the fudge nasa loob na ata yung secong subject teacher. Hindi nako nagdalawang isip pa at binuksan na agad yung pinto.

Pagkabukas ko ng pinto napatingin silang lahat sa gawi ko pati na rin yung techear namin. Nakatingin lang sila sakin na may halong pagtataka lalo na ang techear na nasa harap ko ngayon.

"Ah? Miss? Who are you?" yun lang ang nasabi ng techear na nasa harap ko ngayon at tiningnan ako mula baba pataas.

"Ah sorry to interrupt your class Sir? I'm Alexandra Ynah Santiago a transferee student." pagpapakilala ko at nagbow sakanya para sign ng panggalang.

"Oh yes I do remember that there's a transferee but isn't it two weeks since the school year strated?" napakunot ang nuo niya sakin. Psh, teacher siya ah bakit hindi niya alam? Aish kakapasok ko lang ang dami na agad na tanong.

"Ah about that Sir it's a family matter."

"Oh ok."

"Can I seat now sir?" tanong ko sakanya para kasing wala siyang balak na paupuin ako. Nakatingin lang siya sakin eh at nagtataka na yung mga classmates ko dahil sa kanya.

The Truth Behind These LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon