Irene's Point of View
Naglilinis na kami ngayon ng cafe dahil malapit nang mag 6PM. Hanggang 5PM lang talaga yong cafe kaso marami pang tao kanina.
"Hayyy! Hindi naman Friday ngayon pero bakit ang daming tao? Nakakapagod!" Reklamo ni Yeri sabay upo sa maliit na sofa. Kahit kasi quarter to 4 na siya nakarating dahil meron pa daw silang tinapos, marami pa ring customer at halos naubos yong mga binake ni Wendy na red velvet cake. Yon kasi ang best seller namin.
"Ay unnie, hindi ako makakapasok bukas." Paalam ni Seulgi sa akin kaya napatingin kaming apat sakanya.
"Bakit unnie? May date kayo ni Jimin?" Malokong tanong ni Yeri kaya binato siya ni Seulgi ng basahan. Nakailag naman siya.
"Yuck pwede ba! Wala ah!"
"Kung ganon, saan ka pupunta?" Tanong ni Wendy kaya nagiwas ng tingin si Seulgi.
"A-ano, s-si Jimin kasi."
"Sabi na nga ba date yon eh!"
"Hindi nga! Ang kulit mo maknae ah!"
"Nagpapasama lang siya sa akin bumili ng damit," nahihiyang sabi ni Seulgi. "Para sa school fest yata nila, ewan."
"Eh bakit kasama ka pa?" Tanong ko.
"Hindi ko alam."
"Sige." Sagot ko na lang at agad siyang napatingin sa akin na parang nagtataka.
"Talaga Irene? Pumapayag ka?"
"Oo," nakangiting sagot ko. "Basta magiingat ka ha?"
"Yup!" Sagot niya. "The best ka talagang leader!"
"Siya, maglinis na ulit tayo, maglalaba pa ako."
"Ne!"
**
Nandito na ako ngayon sa kwarto para magpahinga dahil feeling ko pagod na pagod ako. Ganito ba kapag matanda na? Joke. Maaga pa kaming gigising ni Wendy bukas para maggrocery para sa cafe kaya kailangan ko nang magpahinga kaso hindi naman ako makatulog. Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon.
Kinuha ko ang laptop ko para maginternet muna. Gumawa ako ng bagong Facebook account noon dahil alam kong puro hate comments lang makikita ko sa luma kong Facebook. Nakaprivate na din ang Facebook account ko ngayon at tanging kulay pink lang ang profile photo. Irene lang din yong nilagay kong pangalan para bahala na silang magisip kung poser ba ito o ano.
Kim Taehyung: Hi Irene!
Napairap ako. Ano na naman bang kailangan niya sa akin?
Irene: O?
Kim Taehyung: Sungit forevs
Irene: Lampake
Kim Taehyung: Busy ka bukas?
Irene: Bakit?
Kim Taehyung: Date tayo!
Seen 9:27 pm
Kim Taehyung: Hoy
Seen 9:27 pm
Kim Taehyung: Hala siya
Seen 9:29 pm
Kim Taehyung: Kala mo kinaganda mo yan
YOU ARE READING
Irene (Happiness Cafe Series #1)
Short StoryA girl who ran away from her real life and built a cafe with her friends... Will this cafe be the perfect place to find her new and true love? Or will it just be an another reason for her to leave again?