Irene's Point of View
"Unnie, dalawang slice ng red velvet cake sa table number 5," sabi sa akin ni Joy paglapit niya habang nilalapag yong tray na hawak niya. "Tsaka isang iced tea."
"Okay." Sagot ko naman at inilista yon tsaka pumasok sa loob ng kitchen kung nasaan si Wendy.
Nginitian agad ako ni Wendy pagpasok ko at nilahad ang kanyang kamay para makita ang order.
"Marami bang tao?" Tanong niya at pagod naman akong tumango.
"Palagi naman." Lumapit sa akin si Wendy at tinapik ang balikat ko.
"Ayaw mo non, Irene? Ang laki kaya ng kinikita natin araw-araw! Sapat na para meron tayong pangtustos sa pag-aaral ni Yeri tapos sa cafe at syempre, para sa atin." Nakangiting saad niya at nginitian ko naman siya kahit hindi ko kaya.
"Sorry talaga ha? Nadamay pa kayo." Mahinang sabi ko at agad niyang hinila yong buhok ko.
"Aray naman! Sinong mas matanda satin ha?!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan niya lang ako. Loka-loka talaga 'to minsan.
"Ayos lang naman sa amin yong nangyari. Diba nga dapat kung nasaan yong isa, nandoon din lahat? Para saan pa't magkakaibigan tayo?" Seryoso niyang sabi kaya natahimik na ako. "Sige na, ihahanda ko na 'tong order tapos magbell na lang ako kapag ready na."
Hindi pa sana ako aalis pero tinulak na niya ako palabas ng kusina.
"Wag kang magisip masyado, unnie! Kaya natin 'to. Fighting!" At dahil doon, tuluyan na akong umalis sa kusina at bumalik sa pwesto ko. Sa counter.
Meron kasi kaming cafe, para siyang isang maid cafe. Lahat ng binebenta namin dito ay ginagawa namin. Mostly, si Wendy ang nagbabake pero tinutulungan ko naman siya. Meron din kaming seaweed soup at kimchi fried rice na ibinebenta. Ako gumagawa nong soup at sina Joy at Seulgi naman sa fried rice. Bale lima kaming namamahala ng cafe at kami rin mismo ang nagtratrabaho dito. Si Wendy sa kitchen, ako sa counter, at sina Joy, Seulgi, at Yeri naman ay ang nagsisilbing waitresses. Minsan tumutulong din sila sa counter at kitchen lalo na kapag may order na kimchi fried rice. Specialty kasi nila yon.
Since maid cafe ito, nakasuot kami ng mga pang maid na damit. Yong parang sa anime. Si Yeri nakaisip ng concept ng aming business at nagustuhan naman namin yon dahil nakakapagtago rin kami. Thanks to Yeri. Tsaka cute na cute kami sa uniform namin and kapag may special event naman ay nagiiba rin kami ng damit. Depende sa theme.
Actually, isang taon pa lang ang cafe namin. Naitayo namin ito dahil sa tulong na rin ng matalik na kaibigan ni Yeri at sa mga kaibigan pa nito kaya laking pasasalamat namin sakanila. Ang kaso nga lang, nakakairita sila minsan lalo na yong isa na sobrang ingay akala mo ipinaglihi sa megaphone dahil laging nakasigaw. Akala mo nabili na niya ang mundo dahil sobrang lakas ng boses niya.
"TURN UP!!!" Speaking of the devil este alien. Alien pala ang isang 'to.
"Hi Taehyung!" Bati nina Joy at Seulgi sa kararating lang. Feeling ko hindi naman siya oorder at manggugulo lang. Like he always does.
"Hi Irene!" Bati niya sa akin at hindi pinansin yong dalawa kong kaibigan pero tumawa lang sila. Sanay na kasi sila kay Taehyung.
"Bakit ka na naman nandito?" Tanong ko sakanya at umakto naman siyang nasasaktan kaya inirapan ko siya.
"Aray ko naman babes. Ganyan ka ba magsabi ng I miss you? Ang sweet ha!"
Narinig ko namang nagtawanan yong dalawa kaya tiningnan ko sila ng masama. Wala pa si Yeri dahil nasa school pa siya. Mamaya pang alas tres yong duty niya. Nagaaral siya sa umaga tapos sa hapon naman ay nagtratrabaho siya kasama namin. Sinabihan na nga namin yon na kami na lang at asikasuhin niya yong pagaaral niya pero ayaw niya kaya pumayag na lang kami. What Yeri wants, Yeri gets. Maknae eh.
"May bibilhin ka ba? Maraming tao oh," sabi ko at turo sa mga customer na inaasikaso nong dalawa. "Istorbo ka."
"Grabe ka talaga sa akin Irene," natatawang sabi niya. "Isang taon na tayong magkakilala pero ang sungit mo pa rin sa akin samantalang sa mga kaibigan ko ang bait mo."
"Panira ka kasi ng araw." Sagot ko at tinalikuran siya dahil narinig ko na yong bell ni Wendy. Kukunin ko yong order at ibibigay yon kay Seulgi o Joy.
Paglabas ko, wala na si Taehyung. Buti naman. Pero nakita ko si Seulgi na nakangiti ng malapad sa akin tsaka may inabot na bulaklak.
"Para daw sayo."
At hindi lang basta bulaklak yon.
Pambansang bulaklak yon.
Alien talaga!!!!
YOU ARE READING
Irene (Happiness Cafe Series #1)
NouvellesA girl who ran away from her real life and built a cafe with her friends... Will this cafe be the perfect place to find her new and true love? Or will it just be an another reason for her to leave again?