5

19 0 0
                                    

Irene's Point of View

"Irene, may tatanong ako," seryosong sabi ni Taehyung sa akin paglabas namin ng isang fast food chain. Hindi naman ako maarte sa mga kainan. Basta pwedeng kainin at okay yung lasa, sige lang. Tiningnan ko siya at naghintay ng susunod na sasabihin niya. "Kasi diba hindi naman kayo taga dito? At mas lalong malayo yung pinanggalingan niyo? Bakit kayo napadpad dito?"

Teka, personal na yung tanong niya ha? Akala ba niya close na kami?

Siniko ko siya sa dibdib niya kaya napa-aray siya. Ang dami kasing tanong eh.

"Mapanakit ka ah! Susumbong kita kay Jin hyung!"

"I don't care."

"Tss. Sungit," naiiling na sagot niya pero akala ko titigil na siya. "Pero ano nga? Promise, hindi ko ipagsasabi kahit kanino!"

"Bakit ba gusto mong malaman?" Naiinis na tanong ko. Kapag sinabi ko sakanya, makikilala niya kung sino kami... Or baka naman kilala niya kami?

Tumigil si Taehyung sa paglalakad tsaka ako hinila paupo sa gitna ng park. Teka, paano agad kami nakarating dito?! Nilingon ko ang fast food chain na kinainan namin at tumawid lang pala kami. Hindi ko napansin kasi iniisip ko yung mga tanong niya.

"Sorry ah? Narinig ko kasi isang beses sina Jungkook at Yeri na naguusap eh," panimula niya kaya nanahimik ako. Mukhang kilala niya na nga talaga kami. "Wala naman talaga akong balak makinig sa usapan ng iba kaso kasi narinig ko yung pangalan m-"

"Crush mo talaga ako eh noh?"

"Hindi lang naman kita crush..."

"Ano?" Tanong ko dahil parang meron siyang binulong na hindi ko naintindihan.

"Wala." Nangingiting sagot niya tsaka nagpatuloy sa kwento.

Tahimik lang ako habang nagkekwento si Taehyung dahil hindi ko rin naman alam kung paano ipapaliwanag sakanya. Mahirap na magsalita tsaka ayokong mahusgahan ng ibang tao lalo na't isa akong idol. Paano pa kaya kapag nalaman na ni Taehyung yung dahilan kung bakit ako umalis at hinayaan kong sumama yung mga kaibigan ko?

Nagulat ako nang biglang kunin ni Taehyung ang kamay ko tsaka niya hinawakan yun ng mahigpit. Hindi naman ako makagalaw dahil nagulat talaga ako. Why would he do that?

Tumingin siya ng diretso sa akin tapos ay ngumiti.

"Magiging okay din ang lahat, Irene," sabi niya. "Hindi mo man ikwento sa akin ang dahilan bakit kayo napunta dito sa lugar namin, alam kong balang araw ay ikekwento mo din."

Wala akong nagawa kundi ang titigan siya dahil napakaseryoso niya ngayon. Hindi ako sanay. Ang layo sa Taehyung na sobrang kulit at ingay kapag nagpupunta siya sa cafe.

"Tsaka isa pa, masaya ako dahil napadpad kayo dito dahil kung hindi, hindi kita makikilala. Hindi ko makikilala ang icing sa ibabaw ng cupcake ko." With what he said, napangiti ako. Parang instantly, gumaan ang loob ko. Bumalik na kasi siya sa dati.

"Thank you, Taehyung. Alam kong maldita ako pagdating sayo pero gusto kong malaman mo na hindi ko yun sinsasadya. Ikaw kasi. Ang kulit mo palagi. Nakakairita ka na minsan."

Natawa ng malakas si Taehyung. Yung tipong yung mga dumadaan ay napapatingin na sa amin. Nakakahiya talaga 'tong kasama minsan. Nang wala yata siyang balak tumigil sa pagtawa, tumayo na ako.

"Hindi ko po kasama yan!" Sigaw ko tsaka lumakad palayo sakanya. Narinig ko naman siyang tumayo at hinabol ako.

"Hoy Irene! Ano pagtapos kitang ilibre iiwan mo ako!"

"Ewan ko sayo, hindi kita kilala!" Sagot ko tsaka tumakbo. Ayos din. Maghabulan daw ba sa park. Parang mga bata.

**

"Salamat, Taehyung." Hinatid na ako ni Taehyung sa apartment na tinutuluyan namin dahil gabi na tsaka pareho pa kaming may trabaho bukas. Ngumiti si Taehyung tsaka tinanggal ang shades niya. Oo, nakashades siya kahit gabing-gabi na. Parang baliw.

Tinanong ko siya kanina kung bakit siya nakashades kahit gabi na dahil pinagtitinginan siya ng mga tao pero ang sagot ba naman sakin...

"Ang bright kasi ng future nating dalawa."

Edi wow. Hampasin ko siya ng cash register dyan eh. Ay ano Irene, sobrang brutal lang?

"Thank you din kasi pumayag ka dito." Nakangiting sabi niya at akmang tatalikod na pero nanlaki mga mata ko sa sunod niyang ginawa. "Good night, Irene. Dream of me."

Naglakad na siya palayo pero ako, nakatayo pa rin at gulat na gulat.

Did he just kissed me on the cheek?

"Heol." Biglang sabi ng tao sa gilid ko.

"Heol." Sabi ko rin.

"Talaga bang kiniss ka ni Taehyung sa pisngi unnie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seulg- teka ni Seulgi?! Mabilis kong nilingon si Seulgi at nakita kong nakatingin pa rin siya kay Taehyung kaya hinampas ko siya.

"Yah!" Reklamo niya.

"Bakit ngayon ka lang?! Kanina ka pa umalis ah!"

Nanlaki ang mga mata ni Seulgi tapos ay dahan-dahang ngumiti sa akin.

"Sorry Irene unnie. Babawi ako bukas! I love you! Sagot niya tapos nagmadaling pumasok sa loob. Muntik pa nga siyang matalisod eh.

Muli kong tinanaw si Taehyung pero wala na siya. Hinawakan ko din ang pisngi kong hinalikan niya.

Hindi ko alam kung dapat o kailangan ko bang sabihin sakanya.

"Ano unnie? Dyan ka na lang?" Sigaw ni Seulgi na nakasilip sa pinto kaya natauhan naman ako.

"Ito na, papasok na."

**

Did you guys see Irene's teaser photos for their comeback this month? She was so pretty! She literally looked like a barbie doll especially with the purple hair but she also has photos with her hair dyed in pink... Now I don't know what is her real hair color but whatever it is, she's still pretty!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Irene (Happiness Cafe Series #1)Where stories live. Discover now