Chapter 1:Find someone to love

26 6 1
                                    

VENUZ'S POV

"VENUZ LETIZIA LAUBY FRANCES COLUSIOS!! " Narinig kong sigaw ng aking ina. Agad akong lumakad papuntang harap ng kanilang trono, lumuhod ako at yumuko

"Ano po ang aking ipaglilingkod Mahal na Reyna"? Tanong ko.

Ako'y kakaiba sa aking mga kapatid, sila'y naka maharukang damit na gown ,gawa ito sa krystal at ginto. Samantalang ako ay naka pang digmang damit, wala sa isip ko ang magsuot ng magagarang damit na sumasayad pa hanggang lupa.

"Venuz,ilang beses ko bang sinabing mag-ayos ka?! " Ika'y mukhang sundalo sa iyong suot" pangaral ni Ina. Umiling iling nalang ako.

"Ngunit ina, ito po ang aking nais. " wika ko.

"Ano po bang inyong nais? " Agaran kong tanong, ni hindi ko sila matignan sa mata.

"Maghanap ka ng iyong iibigin at mapapangasawa mo. "Utos ni Ama.

Ganun na lang bang kadaling maghanap ng mapapangasawa sa lagay kong toh? Ni hindi ko nga sila matignan sa mata. Ngunit, sa kabila nito ay pumayag ako sa kanilang pinag uutos sapagkat aking nirerespeto at ginagalang ang kanilang desisyon.

"Ngayon mismo ay magsimula kana sa iyong paghahanap. Bibigyan kita ng isang linggo. Wag kang babalik dito hangga't wala kang nahahanap. Yun lamang. Makakaalis kana" wika ni Ama.

Yumuko ako at nagkukumahog akong umalis doon at sinimulan na ang aking paghahanap.

Sa Planetang Zonplex ay pantay pantay lahat ng tao. Nakasuot lahat ng magagarang damit ang mga babae at mga lalaki. Lahat kami ay dugong maharlika. Maraming may mga mabubuting kalooban ngunit meron ding hindi

Ngunit sa kabila nito, wala ni isa akong napusuan sa aming lugar.

Kaya't ako'y labis na nangangamba sapagkat sa kadahilanang hindi ko sya mahanap lalo pa't may hangganan ang aking paghahanap.

Pumunta ako sa Dimaire, doon kasi may usapang maraming kalalakihan ang may magagandang kalooban.

Sa kabila ng aking paglalakad may natagpuan akong isang lalake. Matikas sya kung kumilos, matangkad, maputi at napaka gwapo sya kapag sya'y ngumingiti.

Linapitan ko sya ngunit hindi siya nabigla ,bagkos ako'y kanyang nginitian . Hindi ko man sya matignan ngunit nakikita ko sya sa gilid ng aking mata. Natatakot akong tignan sya dahil baka isang saglit lang bawiin na sya ng buhay.

Labis akong nalungkot dahil sa aking kalagayan. Hindi ko man ninanais ang aking ginagawa subalit wala akong magawa. Tanging pag iwas nalang ang aking pagpipilian.

"Mahal na Prinsesa, may mali ba akong nagawa sayo, bakit ako'y inyong iniiwasan?"tanong nya.

Hindi nya ata alam ang aking kakayahan? At isa pa ayaw kong natatawagan akong prinsesa.Hinde bagay sa akin ang tawag na iyon'.

"Wag mokong tatawaging Prinsesa" ani ko.

Sasagot sana sya ngunit may pumigil sa kanya. Alam kong pinapalayo sya sa akin dahil nanganganib ang buhay nya.

"Sy So, hindi ba't sinabi kong wag mo syang lalapitan, sya'y pumapatay. "halos pabulong na sabi nito ngunit aking ito'y narinig.

"Paumanhin po" wika nya.Umalis na sya at ako'y kanyang iniwan.

Ang hirap ng aking sitwasyon. Paano ako makakahanap ng taong iibig sakin kung ang turing nila sa akin ay pumapatay ng tao? Hindi ko naman iyon kagustuhan. Kung pwede ko nga tanggalin ang aking kapangyarihan. Gusto kong mamuhay ng normal. Ngunit paano?

Umupo nalamang ako sa may bakanteng upuan doon at yumuko.

May dumaang lalake sa harap ko. Akin syang tinignan. Nakalimutan ko! Pagkatingin ko sa kanya ay agad syang binawian ng buhay.

H-hindi ko sinasadya.

Nagsilapitan lahat ng tao kung nasan ako at nagpulungan.

"Anong nangyari sa kanya? "

"Anong ginawa nya? "

"Salot talaga sya sa bayan natin"

Narinig ko lahat ng bulungan nila. Isa din pala sa aking kakayahan ay ang makarinig ng mga pinag uusapan kahit na malayo ito.

"Paumanhin, hindi ko sinasadya" wika ko at aalis na sana ngunit may pumigil sakin.

"Ano? May magagawa ba yang paumanhin mo para maibalik ang buhay ng anak ko? "wika nito.

Ayaw ko syang tignan ngunit pinilit nya parin ako para tignan sya kayat binawian din sya ng buhay.

"Sya ang may kasalanan, Hindi ako." tangi ko nalang nasabi. Kahit pa't alam kong may kasalanan din ako sapagkat hinayaan ko syang tignan nya ako.

Wala ng nagtangkang tumingin sakin sa mga oras nayon kaya't agad na akong umalis sa lugar na sya.

Narinig ko ang pag iyak ng pamilya nila.

2 na ang napatay ko. Ilan pa kaya ang mapapatay ko?

******

Yey. Remind lang po na medyo malalalim ang salitang ginamit ko dahil alien po si Venuz. Joke! Basta pag pumunta napo sya sa Earth magiging normal napo ung ibang words.
LIKE. VOTE. COMMENT.

Thank you:)

Eyes Of DeathWhere stories live. Discover now