Chapter 2: Sa mundo ng mga tao

20 6 0
                                    

VENUZ'S POV

Nagtungo ako sa malayo sa bayan na 'yon. Baka sakaling may mahanap akong lalaki dito. Ngunit, sa kabila ng aking paghahanap ay mas lalo akong kinakabahan dahil baka may mapatay na naman ako.

Yumuko lang ako at hindi ko namamalayan na may mainit na likido na pala ang tumutulo sa mga mata ko. Ano toh? Luha.
Umiiyak ako? Pero bakit?
Kailanman ay ayokong umiiyak ako sapagkat para sa akin. Mahina ako kapag umiyak ako. At nais kong kalabanin ang kahinaan kong yun.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingala. Kailangan kong maging matapang. Kung ano man ang magawa ko, paninindigan ko iyon.

Naglakad lakad lang ako. Tumitingin ako sa mga lalaking nagsisiraanan ngunit hindi nila ako magawang tignan.

May mga pagkakataon na tumitingin ako sa kanila ngunit hindi sila nakatingin sa akin at tumitingin sila sakin, ngunit hindi ako tumitingin sa kanila.

Nasulyapan ko naman na may nakatingin sa akin kaya tumingin rin ako sa kanya.

Mata sa mata.

Ngunit, bakit? Bakit hindi pa sya binabawian ng buhay? Anong nangyayari sa akin?
Sya naba ang aking iniibig?.
Agad ko syang nilapitan.

"Maaari ka bang makausap, Ginoo?"wika ko.

"Bakit? Ano ang iyong kailangan sa akin? Hindi ba't nakakamatay ka ng tao? " wika nya.

Bigla akong nagalit sa sinabi nya at sabay nito ang pagkabawi ng kanyang buhay.

Hindi.

Bakit?

Bakit ganito?

Anong nangyayari?

Kanina lang ay nakakatingin pa ako sa mga mata nya subalit bumalik na rin ito sa dati .

Umiiyak ako.

Nakapatay na naman ako.

Hindi ko sinasadya. ..

Hindi ko sinasadya...

****

Hindi ko na ata kinaya ang aking dinadamdam kaya't agaran akong bumalik sa palasyo .

Ng dumatal ako doon ay dumiretso ako sa trono ni Ina at Ama.

"Ina, Ama, hindi ko po adhika ang pumawi ng buhay ng may buhay subalit hindi ko po ito mapigilan. May mga pagkakataon po na hindi ako makakapatay ngunit may pagkakataon din po na nakakapatay ako. Ina, Ama, tatlo na po ang napatay ko. Sa loob ng isang araw, ikinalulungkot ko po subalit hindi ko po kaya ang pinapagawa nyo " wika ko.

"Anak, hindi mo pa nalalaman ang ibang kakayahan mo. Anak, kapag umiyak o nasasaktan ka ay mawawala ang bisa ng iyong kapangyarihan at babalik lamang ito kapag nawala na ang sakit na iyong dinaramdam. "

"Salamat po Ina sa impormasyon"

"At isa pa Anak, may paraan para mawala ang bisa ng iyong kapangyarihan. Gusto mong mamuhay ng normal diba? " wika ni Ama.

"Opo Ama yun po ang aking nais at nanaisin. "

"Mawawala lamang ang bisa ng iyong kapagyarihan kapag naapuhap  mo ang taong magmamahal sayo at tatanggap sayo anuman at kung sino ka man."

"Wag kang mawawalan ng pag asa. Anak, gusto mong mamuhay ng normal diba? "

"Salamat po, Ina, Ama. " wika ko at umalis na.

Nagsimula na akong maglakad lakad ngunit bawat nadadaanan ko ay umiiwas sa akin. Bawat tinitignan ko naman ay nababawian ng buhay.

Sa isang iglap 3 na ang aking napatay.

Hindi ko na kinaya kaya bumalik ulit ako sa palasyo at sinabing sa ibang lugar nalang nila ako dalhin.

"Nais mo ba talagang dumaos sa ibang lugar? "

"Opo, ina."

"Pwes, ipapadala kita sa mundo ng mga tao. "

"Subalit, ina. Kaiba po ako sa kanila. "

"Buo na ang aking desisyon, sasakay ka sa spaceship at dadalhin ka noon sa Mundo ng mga Tao. Bibigyan din kita ng kakayahan na makaintindi at makapagsalita ng kanilang wika. "Ani Ama.

Labis akong nalungkot sapagkat iiwan kona ang aking kinagisnang mundo.

Pupunta na ako sa mundo ng mga tao.Kung saan kaiba ako. Mapagtatagumpayan ko kaya ang aking misyon?

Wala rin akong nagawa sapagkat sumakay na akong spaceship.

"Paalam anak. Mag iingat ka. "

"Opo Ama, Ina. "

Pumasok na ako sa loob at nagsimula ng umandar ito.

Sa isang iglap lang...

Nandito na ako.

Sa mundo ng mga tao.

Kung saan kakaiba ako.

Nasa mundo nyo na ako.

Nakita munaba ako?

Gusto mo bang magpakita ako sayo?

****
Author's note.

Please basahin nyo po and comment narin po para ganahan akong mag update. Hihi. Lavyah all!

Eyes Of DeathWhere stories live. Discover now