Zaynelle's POV
Nagising ako gabi na. Nakatulog pala ako dito sa bench sa may park.
Kanina may naglalaro pang mga bata at may nagala pang mga tao may mga aso din pero wala namang polar bear. Pero ngayon ni isa wala.
Huhuhu nakakatakot. Andilim kase pasalamat nalang na medyo madaming ilaw dito sa park. Pero pano ako uuwe? T.T
Tinignan ko ung phone ko waaaa! Ayaw bumukas!! Nalowbat ata kakalaro ko ng pou :(( baka nagugutom na yon! Nakakainis naman.
Teka.. LAGOT AKO SA MGA KAPATID KO AT KELA MOMMY T.T
Waaaah napatayo agad ako at pumunta sa may kalsada banda. Wala na masyadong nagdadaan na kotse
Hala ano nangyare?! Ilang taon ba ako nakatulog waaaah huhuhu puro zombie na ata andito! Ung kagaya sa walking dead paggising nya uso na ung zombie :((
Waaaah ayoko takot ako sa zombie ayoko ayokooo!
Napaupo ako sa gutter sa gilid ng kalsada naiiyak na ako!!
Panay tingin ko sa kaliwa't kanan tas sa likod at harap :'( natatakot na talaga ako.
k-kuya puntahan mokoo :'(
May tumigil na kotse sa harapan ko kaya napatayo agad. Baka si kuya na!!
Bumukas dahan dahan ung bintana at may SHOKOY AKONG NAKITA!!!!! PAKSHEEEET ZOMBIEEEE!!!!! WAAAAAAAAH!!!
Tumakbo ako agad palayo waaaaaaah zombieng shokoy huhuhu!! Ayoko naaaaa!!
Iyak na ako ng iyak habang natakbo! Napansin kong hindi ko na masyadong alam ung lugar na toh :(
Dora kailangan ko ng mapa mo :'( nagmamakaawa ako.
Bigla akong may naramdamang mga ihi sa ulo ko. Napatingala agad ako naulan pala.
Sabi ni Kuya Zayden sakitin daw ako panigurado magagalit yun dahil nagpapaulan ako.
Wala na akong pagasa sa zombie world na toh :'( nakalam na sikmura ko. Ilang taon ba naman akong di nakakain buti nga buhay pa ako.
Naglakad lakad nalang ako kahit naulan. Wala namang masama sumubok diba :'( di naman na siguro uso ngayon ung mga balita balita, if ever makagat ako ng zombie di naman ako idyadyaryo diba?
May nakita akong itim na kotse na dadaan! Hinarangan ko agad ung dadaanan nya para tumigil sya. Desperada na akong makauwe :'( di naman nakakapag drive ang zombie diba? Kaya malamang tao toh huhuhu.
Medyo nahihilo na ako. Lumapit ako agad sa may bintana ng passenger sit nung huminto ito tas bumaba ung bintana, lalaki ung nagdadrive tas may nakaupong lalaki din sa passenger seat tas may 2 lalaki din sa may likuran
"Oh miss bat nagpapaulan ka?" Sabi ni kuyang nagdadrive. Ang baho ng kotse nila amoy yosi lalong nakadagdag sa hilo ko.
"K-kuya pwede po bang makisabay hatid nyo naman po ko sa bahay ko oh? N-naliligaw po kase ako" nahihilo at nilalamig na ako :'(
Napatingin saglit ung lalaking nakaupo sa passenger sit sa likuran tas humarap saken ng nakangiti
"Pagbuksan mo yan pre" nakangiti nya paring sabi saken
Bumukas naman ung pinto sa likuran kaya nagmadali akong lumapit don.
Papasok na sana ako ng may humablot sa braso ko
Hindi ko masyadong makita mukha netong men in black na toh all black sya. Naka cap na black kaya lalong di ko makita mukha nya naka black na jacket at black din panloob di ko na mkita ung ibaba nya eh kase syempre kunyare gulat ako ngayon noh!
"Ako na maghahatid sakanya salamat nalang" sabi nya don sa mga lalaking asa loob. Ano bang problema neto! Gusto ko ng umuwe eh!!
Bago pa man makapagsalita sila kuya hinatak na nya ako. Wow close tayo manong? pakshet toh! Palapa ko toh sa dilis namen eh!
Kung makahatak kala mo naman bff since fetus kame! Nakakainis toh eh kung bigla akong sumigaw ng rape?
Galit na galit kung makahatak!! Kung di lang ako nahihilo at nilalamig sisigawan ko talaga toh! Pero nanghihina na ako eh.
Bumalik lang ako sa wisyo ng makita ko na parang nasa may apartment kame. WAAAAAAAH!!! RERAPE-IN NYA AKO!
Sinubukan kong tanggalin pagkakahawak nya saken pero di ko magawa. Kinginang life toh mamen!
Nakaakyat na kame di ko nabilang pang ilang floor toh at pumasok kame sa isang pintuan at don tumambad saken ang mga nakahubad na babae syempre joke lang hehehe.
Simple lang ung loob hindi mo masasabing mayaman nakatira dito kase sobrang simple ng mga gamit pero napakalinis. Maayos na nakaarrange lahat ng gamit.
Binitawan na nya ung pagkakahawak saken at sinarado nya ung pintuan hinubad nya ung jacket nya
Napaupo agad ako sa sahig at napahawak sa binti ko
"K-kuya wag p-po pls" hindi ko namalayang humahagulgol na ako "k-kuya may aids po k-ko mahahawa ka" hindi ko mapigilan ang takot ko
"Stupid" pagkasabi nya non nakarinig ako ng yabag palayo saken
Napatingala ako, nanginginig na buong katawan ko. Hilong hilo parin ako. Nilalamig ako pero pawis na pawis ako.
Nakita ko syang pumasok sa isa pang kwarto dito. Napaupo ako ng maayos at sinandal ko ang katawan ko sa pader. Tuloy tuloy parin ung agos ng luha ko. Parang ang bigat ng katawan ko ng ulo ko. Ayoko ng ganto napapikit ako.
Naramdaman kong binuhat nya ako napadilat ako agad para sana pimiglas pero napatigil ako ng makita ko syang wala ng cap. Ramdam ko parin ung basa sa tshirt nya.
Napakagwapo nya. Para syang anghel. Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. Kung sya mangrerape saken why not diba? Waaaah! Ano ba yong iniisip ko ghaaad.
Naramdaman kong nilapag nya ako sa malambot na bagay. Sofa
May inabot sya sakeng damit napatingin muna ako sakana bago ko kuhain
"Change first while I'm making you something to drink" englishero pala hays nireregla ilong ko
"Uhh o-okay po?" Tatalikod na sana sya nung nagtanong ulit ako "san ako magbibihis? Hehehe ano nilapag mo ko kase dito sayang naman effort mo"
"Then change there" tas naglakad na sya don sa kusina ata? Halata kase kita ko ung ref dito pero ung iba hindi na hinaharangan na ng pader kase.
Dahil masunurin ako dito na ako nagbihis. Madali ako kausap noh. Pero tinitignan ko ung gawi nya kung nasilip sya pero hindi.
Undies lang ang di ko pinalitan pero ngayon, I'm wearing a plain white tshirt at jogging pants na gray.
Naramdan ko bigla lahat ng sakit ko sa katawan kanina. Nagbe-blurry narin paningin ko pero pinipikit ko lang ng madiin para umayos ulit.
Nakita ko na syang lumabas sa kusina may hawak syang mug na gray din. Sinisingkit ko ung paningin ko para makita ko ng maayos. Nasakit narin mata ko at nanghihina na ako.
And bago pa man sya tuluyang makalapit everything turned black. The last thing i heard was
"Fvck!"
-xxxibmars18