Katabi ko ngayon si Vane dito sa klase. Sitmates kase kame. Nakikinig sya maigi sa dinidiscuss ni Mrs. Agoso
Nakakatamad namaaaan!
Napatingin ako sa sahig asa banda sulok kase ako nakaupo 2nd row may nakapilang langgam na pula na napasok sa maliit na butas sa may pader.
Hihihi kawawa naman sila baka namamalengke sila wala sila nabili.
Nilabas ko ung baon kong sky flakes tas binuksan ko yon. Pumutol ako ng maliit lang tas dinurog ko sa kamay ko yon. Sabay tungo ko don sa mga nakapilang langgam dahan dahan kong nilalagay ung mga butil ng skyflakes sa dinadaanan nila.
Una iniiwasan nila, may nagtatakbuhan pa nga palayo. Halaa! Tinutulungan ko lang naman sila :(
BALANG ARAW PAPASALAMATAN NYO KO!
Tas onti onti na nilang inaamoy amoy, oo alam kong inaamoy nila kase lalapit aalis lalapit tas aalis ulit tas ayon after ng ilang minuto pinupulot na nila
Hihihi makwento nga sa mga kuya ko na tumulong ako magbigay ng relief goods sa mga mahihirap..... na langgam hihihi.
Ang saya saya siguro nila dahil di na nila kailangan dumaan sa paleng---
" EXCUSE ME MS. MONTEVIRGEN!?"
Napaayos ako bigla ng upo ng makita ko si Mrs. Agoso na nandon sa kabilang dulo ng row ko sa may gitna ng classroom at ang sama ng tingin saken huhuhuhu!
Napatingin sya sa kamay ko banda kaya tinignan ko din.
Hawak ko ung skyflakes!!! Strictly no eating sa klase nya hala!!!!
Napatingin ako agad sakanya at napangiti nalang ng pilit
"H-hehehe M-Mrs. Agoso. Hindi po ko kumain pramis po!" Nag swear pa ako ng kamay kaso nataas ko ung kamay na may hawak ng skyflakes kaya agad ko tinago sa likuran ko ung kamay kong yon at ung kabila ang tinaas ko "a-ano po kase ung langgam tinulunga----" naputol ung sasabihin ko ng magsalita agad sya
"At napakatulungin mo naman pala Ms. Montevirgen at pati langgam pinapakain mo!" Ngumuso nalang ako. Eh buti nga pinakain ko pa di nalang nagpasalamat saken tong teacher na toh at animal friendly ako!
Napatingin ako kay vane at ung mukha nya para syang awa awa saken napailing nalang ako at napatingin ulit kay Mrs. Agoso
"Give me that skyflakes of yours, and please leave my class now. Nasabi ko ng ayokong ayokong may mga pagkain dyan sa mga lamesa nyo habang nagtuturo ako diba Ms. Montevirgen?" Napatungo nalang ako at tumayo na mahirap na baka palayasin pa ni Mrs. Agoso ang mga langgam sa nirerentahan nila.
Mas okay ng ako nalang ang mahirapan wag lang sila. Haaays sana magkasya sa pamilya nila ung nailagay ko :(
Bumulong muna ako kay Vane na mauuna na ako tshaka ko binigay ung skyflakes ko kay Mrs. Agoso atshaka ako tuluyang lumabas.
Last subject namen si Mrs. Agoso kaya pwede ako maggala hihihi.
Pwede naman kaseng lumabas ng school anytime. Kaya di ako nahirapan sa paglabas.
Paglabas na pag labas ko ng gate.
Tingin sa kaliwaTingin sa kanan
San kaya ako pupunta?
Tinignan ko ung orasan ko
4:15 pm palang.
5pm dismissal namen eh.
Pag nalaman toh ng mga kapatid ko katakot takot na sermon aabutin ko lalo na kela mommy
Pero uuwe din ako agad hihihi promise. Di muna ako magbibenta shabu kase bad yon hihihi
Alam ko na san ako pupunta!
Sa park na malapit sa school 20 mins pag nilakad kaya keri na ^^
Somebody's POV
~Flashback~
"Daddy! Daddy! isuperman mo po ko!" Sabi ko kay daddy ko nung nakita ko sya sa may living room namen si mommy nakita ko sa kusina nagpeprepare ng breakfast namen
"Nako big boy na si kuya namen magsusuperman pa?" Yumuko si daddy para maging magkasing tangkad kame
"Gusto ko po kase paglaki ko pi daddy poprotekhan ko si mommy at baby hera kagaya po ng pagprotekta mo po samen" sabi ko ng nakanguso
"Balang araw son ikaw na magpoprotekta sa mommy at kapatid mo"
"Promise po daddy ako msgihing superman nila hihihi!"
~end~
Daddy sorry at di ko nagawang protektahan kayo ni mommy lalo na ang kapatid ko
Pero sisiguraduhin kong hahanapin ko ang gumawa sainyo nyan ni mommy at sa kapatid.
At sisiguraduhin kong igaganti ko kayo.
Kahit buhay ko rin ang kapalit.
-xxxibmars18