Chapter 2

66 4 0
                                    




HALOS Mag-dadalawang buwan na sila dito sa Davao hindi pa rin niya gaanong gamay, hindi niya man lang naipapasyal si Dave gawa ng busy rin siya at halos kalilipat lang nila ng tirahan. Nakakahiya naman sa Ate Jo niya kong doon pa rin sila makikipisan.

Medyo malaki ang nabawas ngayon sa savings niya, dahil halos bumili sila ng panibagong gamit nilang mag-ina. Mabuti na lang 'yong isang kasambahay nang Ate Jo ay pinalipat na sa kanila, hindi na siya natataranta pag ulam na nilang mag-ina ang pag uusapan. Hindi kasi siya marunong magluto kaya nitong mga nakalipas na araw na wala pa sa kanila si Manang Nelda eh halos bumibili lang siya ng lutong ulam sa isang karenderia malapit-lapit sa inuupahang apartment nila.

Balak niyang sunduin si Dave ngayon tanghali sa school at mag-grocery na rin tuloy siya. Na-miss na niya ang luto ng Tita Merly niya lalo na yong kare-kare nito. Mamaya pagpauwi na sila ni Dave ipapadaan niya sa isang Fine Dining Restaurants, para makapagtake-out na lang siya.

"Oh Michelle bakit sinundo mo pa si Dave nandito naman ako." Ani ni Mang Ramon ang family driver ng pinsan niya.

"Ahh Mang Ramon nag grocery ho kasi ako kaya naisipan kung dumaan na lang dito at makiki-sabay na lang ako sa inyong umuwi."

"Ah Ganon ba, mabuti dumaan ka rito, akina yang mga pinamili mo ineng, at nang mailagay na rito sa compartment ng Van." Agad naman niyang inabot rito ang mga pinamili niya.

"Mamaya lang nang konti lalabas na ang mga bata, dyes minutos na lang alas onse medya na."

"Ahh Mang Ramon pwede po ba tayong dumaan sa isang Restaurant mamaya, mag take-out lang ako ng kare-kare medyo matagal-tagal na rin ho kaming hindi nakatikim ni Dave noon, mula ng lumipat kami dito sa Davao."

"Sige doon tayo dumaan sa Florencia masarap doon, Doon kadalasang nakikipag meeting si Sir Joel sa mga ka-Business deal nito."

"Sige po kayo na lang bahala hindi ko pa po kasi gaanong gamay itong City."

Ilang saglit pa tanaw na niya ang kanyang anak kasama nang pamangkin niyang si JV. Agad niya itong kinawayan ng matanaw siya nito. Hangang tenga ang ngiti nito sa kanya habang gumaganti nang kaway.

"Hello Mom why are you here?" Salubong nito sa kanya sabay halik sa kanyang mukha, ganon din ang ginawa ni JV humalik din ito sa kany.

"Of course, sinusundo kita, hmm... ayaw mo bang sinusundo ka nang Mommy?" Nagtatampong wika niya dito.

"Of course not naman, sabi kasi ni Kuya JV he had a PSP, I want to barrow with him so dadaan muna kami sa kanila bago sana ako ihahatid ni Mang Ramon sa bahay." Mahabang turan nito.

"Naku baka naman masira mo lang, saka ginagamit rin 'yon nang Kuya JV mo." Aniya dito.

"Its okay Tita I have a new one, bigay ng Ninong ko, gamitin na lang muna ni Dave para magamit niya din."

"Ohh diba Mom sabi ko sayo eh," tuwang sabi nito sa kanya

"Okay okay but not now, we can go tomorrow with them para makapasyal rin tayo sa kanila its Saturday naman, tomorrow you can spend the whole day with your Tita Jo house and you can play with your cousin."

"Yehey!....." Tuwang sabi nito.

Ilang saglit pa huminto na sila sa Florencia.

"Wait guys dito lang kayo ha mag take-out lang ako ng food." Paalam niya dito.

"Tita favored you can buy me a Grilled Chicken Inasal its may favorite." Singit ni JV mukhang paborito nito ang Grilled Chicken Inasal ng Florencia.

"Yea why not! Okay dito muna kayo."

Take A Chance (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon