mahal na kita

310 10 2
                                    


CHESKAs POV

mahigit isang linggo na ako dito pero di pa rin ako nagsasawa sa tanawin..ang sarap talaga pag ganitong papalubong na ang araw..di masyadong maiinit sa paa ang mapuputing buhangin bato..
nagkikislapan ang alon sa dagat.ang mga ibon napakalayang lumilipad..

nag iisa ka yata!?
ang boses na yun.bumilis ang tibok ng puso ko
liningon ko kung san to galing

o hi kaye kaw pala..
bati ko.di ko inaasahang magkikita kami ulit ngayon..
mula ng umalis ito pagkatapos mananghalian at bulahin si aling mercy ay di na to nagpakita.

oo galing ako sa inyo..
kay aling mercy.e sabi lumabas ka raw kaya nagbakasakali akong sundan ka dito..swerte naman dito ka nga..

ha!bakit..may problema ba sa braso mo.lumala ba?
nag alala ako baka napano na ang braso niya dahil sa pagbato ko ng water sprayer

a wala naman naiinip kasi ako sa bahay..pumunta sa bayan yung pinsan ko wala akong maka usap na tao sa amin..

hahahaha
hala ka so ano ang lolo mo diba sya tao..!?

iba e may sa nunu sa punso..
hahaha
sabay pa kaming tumawa sa mga biro niya..

natahimik kami bigla ng mag iba ang kulay ng paligid..

pareho kaming napatingin sa dagat sa papalubog na araw..
sa kulay ginto na reflection nito sa tubig.

di siya umalis sa tabi ko.pareho kaming tahimik na nakamasid sa pagbaba ng araw
naramdaman ko nag kiskisan ang kamay namin
..unti unting nagdikit at di nagtagal ay magkahawak kamay na kami..
di ko alam bakit di ko magawang alisin ang pagkakahawak niya..
nadadala yata sa napaka romantikong tanawin..

palihim akong tumitingin sa kanya.
naka puting tshirt sa loob at naka short sleevepolo siya na softdenim.naka3/4s na maroon.siguro 5'8" o higit pa ang height nito..ang tangkad niya talaga.napatingin ako sa leeg niya yong paglunok niya parang may adams apple ding gumalaw..para talagang lalaki pati sa boses..

tara upo tayo dun..
turo nito sa malaking baso sa di kalayuan.buti nalang di niya ako nahuli na palihim siyang pinag aaralan.

magkahawak kamay kaming naglakad..inalalayan niya akong maka akyat sa bato..

umupo kaming pareho..walang imikan..

cheska..
may boyfriend ka na ba!?
ano bang klasing tanong yan..
nabigla naman ako dun..

ha!? e wala..
bakit?!
napatingin ako sa kanya.nakatingin lang siya sa dagat.
nakita kong napa buntong hininga ito..
ano bang problema ng taong to..

SWEETBITTERWINE (kaye jade cal )COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon