dapit hapon

153 10 2
                                    

CHESKAs POV

binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama.nakakapagod ang biahe.maaga kaming umalis kanina pumunta kami sa centro para sa check up ko..
lately  kasi napapadalas ang kirot na nararamdaman ko sa aking ulo.parang pinipiga.
parang may mga panaginip ako na sa tingin ko bahagi ng aking nakaraan
may mga pagkakataon naman na may nakikita akong senario na nangyari na.
may tao na lagi kong nakikita pero di ko makilala kong sino to
doon ako naguguluhan.
sabi ni tess baka magulang ko raw..pero iba..at pag napapanaginipan ko siya iba ang excitement sa puso ko..yung tipong kabog ng dibdib ng isang humahanga

wag mong pilitin na alalahanin lahat cheska darating din ang panahon kusang babalik lahat ang ala ala mo..
sabi ng doctor kanina ng ikwento ko ang mga nangyayari sa akin.

cheska..ito na ang mga gamot mo kumain ka muna..
tawag ni tess nasa may pinto an ito.
mabilis kong binuksan para makapasok siya..

salamat..
mabilis kong linagok ang gamot kasabay ng tubig..

pwede ba akong lumabas ulit mamaya..dun lang sa tabing dagat..
paalam ko.

cge samahan kita.

kahit ako lang kaya ko naman na e..
baka may tatapusin ka pa..
sabi ko.gusto kong mapag isa.gusto ko kasing akyatin yung bato sa dulo.pag sinasabi ko kasing puntahan namin to nagagalit siya.baka madulas daw ako.

a okey..cge..oo nga .maraming pinapa lay out si mr yukota. i susubmit ko pa to next week..
nag diwang ang isip ko sa sinabi niya..

sa wakas!
ilang beses ko ng gustong pumunta doon.
sa tuwing napapadako ang tingin ko sa bandang dulo na kinaroroonan ng malaking bato na yun may bahagi ng aking puso ang nag uudyuk sa akin na puntahan yon.








tinaas ko ang aking mga kamay hinayaan kong yakapin ako ng malamig na simoy ng hangin. pinabayaan kong isayaw ng hangin ang aking mahabang buhok.

pumikit ako para damdamin ang bawat dampi nito sa aking balat.

matagal ako sa ganoong ayos.
 pakiramdam ko may ibang tao bukod sa akin..
binaba ko ang aking kamay at niyakap ko ang aking sarili..

may iba talaga..pumihit ako at yun nga may kasama pala akong nakatayo pero sa isang malaking bato din na katabi ng kinatatayuan ko..
nakapikit ito at naka harap sa dagat

pinagmasdan ko ito ng mabuti.
nag iba ang pintig ng puso ng mapadako ako sa kanyang mukha napaka gwapo nito..simple lang sa suot na itim na tshirt at brown pants pero lakas ng dating sa akin.

SWEETBITTERWINE (kaye jade cal )COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon