Jessey: Diyos ko naman ang init!
Reklamo niya habang pinupunasan ang namumuong pawis sa kanyang noo. Natapos na niya ayusin ang mga gamit niya sa kwarto ng inuupahan niyang bahay sa Batangas. Nag palit na muna siya ng sando bago nagpunta sa kusina para asikasuhin ang dinner niya. Ang dala kasi niya ay puro canned goods sa susunod na araw na lang siya mamalengke kapag alam na siya ang pasikot-sikot sa buong bayan. Dinampot niya ang putting papel na nasa ibabaw ng mesa at tiningnan ang address dun. Nang magtanong siya sa may ari ng bahay na tinutuluyan niya sinabi nitong malapit lamang dun ang villa kung saan nagbabakasyun si Kate Martin.
Jessey: Kung di man ubod ng sungit at feeling superstar itong babaeng to ay di na ako mababahala pa.
Bukas na bukas din ay agad niyang sisimulan ang "panunuyo" sa babae. Hiling lang niya ay hindi siya abutin ng siyam-siyam sa gagawin. Pero kung ganun man ang mangyayari ay hindi siya susuko. She needed her job. Oo nga at napabayaan niya ang trabaho niya dahil sa pinagdadaanan niya pero di na ngayun. Mas importante ang trabaho niya. Dumungaw siya sa bintana at tiningnan ang paligid. Nasa ikalawang palapag siya ng bahay kaya tanaw doon ang kabuuan ng paligid. Medyo malayo siya sa kabahayan sa di kalayuan ay natatanaw din ang dagat na nadaanan niya kanina habang sakay siya ng tricycle. Ibinaba niya ang tingin may mga poste ng ilaw na nagsisilbing liwanag sa kalsada. Hindi siya nag aalala sa kaligtasan niya dahil sinabi ng may-ari na di naman delikado doon kaya wala siyang dapat ikabahala. Napabuntong hininga si Jessey at nag angat ng tingin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi niya alam pero sinusubukan siya ng kapalaran...Mula sa pagkakansela ng kanyang kasal hanggang sa trabaho pero wala siyang magagawa ganun talaga ang buhay. Ang tanging magagawa niya na lang ay kayanin ang lahat ng pagsubok, pasasaan ba at lilipas din ang lahat.
Alas-diyes na ng umaga ng nagising si Jessey kinabukasan medyo napasarap ang tulog niya dahil malamig at maganda ang simoy ng hangin. Kumunot ang noo niya ng marinig ang tunog ng trycicle sa labas ng bahay. Nasa tapat lang ng bintana ang kama niya kaya dinig niya ang malakas na ingay ng tricycle. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana at dumungaw. May nakita siyang matangkad na lalaki na ibinababa ang mga maleta nito sa tricycle. Lalong kumunot ang noo niya ng makitang babae pala ito at nandun din sa ibaba ang may-ari ng bahay na tinutuluyan niya.
Jessey: Anak niya ba 'to? Baka.. pero ang papi niya!!! Aish!! Anu bayan Jessey puro ka landi!!
Naalaala niyang nasabi sa kanya ng may-ari na may tutuloy raw sa ibaba ng bahay. Lumayo na siya sa bintana nang umalis na ang tricycle dahil kumakalam na kasi ang sikmura niya dahil sa gutom. Pagtitiisan na lang muna niya ang dala niyang mga canned-goods.
Mika: Okay napo 'to salamat ho uli.
Landlord: Oh sige kung may kailangan ka nasa kabilang bahay lang ako, may nakatira nap ala diyan sa taas. Si Jessey.
Mika: sige po.
Nang lumabas na ito ng bahay ay sinimulan niyang ayusin ang mga gamit niya. She likes the place. Malaki, maaliwalas at malinis. May T.V din na ni-request niya talaa sa may ari para makapanood siya ng balita habang nandun siya. Peaceful ang lugar at yun ang pinakagusto niya sa lahat. Pagkatapos niyng iayus ang mga gamit ay umupo muna siya sa upuan dun. Tiningnan niy ang mga kama na may bagong palit ng bedsheets at mga unan. Tumayo siya at lumabas ng bahay, pupunta muna siya ng palengke dahil wala siyang dala kahit pagkain.
Pagkasara niya ng hagdan ay napatingin siya sa hagdan na nasa gilid ng bahay, may bumaba dun na isang babae na may maikli din ang buhok. The wowan was pretty that her beauty was sharp and deadly. Sumingit din sa isip niya ang isa sa mga kilala niyang writer na nasa ibang publishing company. Nang malampasan siya ng babae ay saka na lang nag register sa utak niya na parang kilala niya ito at agad na hinabol.
Mika: miss? sandali lang.
Huminto naman ito at tumingin sa kanya, wala siyang mabasang emosyun sa mukha nito kundi pagkabagot. Mukhang naabala niya pa ito.
A/N: Salamat po sa mga nagbasa at magbabasa pati na rin sa votes. Feel free po sa pag comment I would really appreciate it. Sana po magustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
Forever Alone No More
Fanfiction"Alam kung mahal mo 'ko, Kaya nga ang swerte-swerte ko." ~Mika