CHAPTER THREE

45 0 1
                                    

“Malalaman mo ang halaga ng isang tao, kapag wala na sayo.”

May mga taong hindi pinahahalagahan ang ganitong kasabihan kahit alam nilang gasgas na sa katotohanan. Kase para lubusan nilang maintindihan, kailangan muna nilang maranasan ito.

Sabi ng mommy ni Chum na si Ina Meme:

Naalala ko noong bata pa ako, lagi nilang sinasabi masarap daw magmahal. Masarap daw yong pakiramdam na alam mong may isang tao na kaya niyang ipaglaban ka sa lahat lahat. Yun bang laging nagdadasal para sa kapakanan mo. Pero tama nga napakasarap ng pakiramdam na nagmamahal ka at minamahal ka. Pero napakahirap din pa lang masaktan. Yung pakiramdam mo na bumagsak na ang lahat ng pangarap mo. Pero minsan ganon lang talaga kailangan mo munang masaktan para maging matatag ka pa lalo, dahil darating din ang araw na liligaya ka sa taong nakalaaan para sayo. Dahil hindi ka lang naman minsan magmamahal, may darating at darating talaga para sayo.

Sabi naman ng friendship daw ni author Hahahahaha:

Huwag mong hayaan maging tanga ka sa pag-ibig. Yung tipong alam mo na ngang niloloko ka na niya mahal mo pa din sya at Go ka pa ng GO. Ang pag-ibig ay hindi pagpapaka-tanga at hindi pagpapaka-martyr. Minsan isipin mo rin ang sarili mo at hindi puro siya. Huwag na huwag mong hahayaang isa ka lang option sa kanya.Huwag mong hahayaang lokohin ka lang niya. Huwag mong sanayin ang sarili mo sa isang taong hindi naman deserve na mahalin mo ng ganyan.  Wake up! Isipin mo ang sarili mo na masyado nang nasasaktan sa mga ginagawa niya. Minsan kailangan mong pakawalan ang taong mahal mo para maramdaman niya na kaya mong mabuhay kahit wala siya. Malay mo sa pagkawala mo, maiisip niya na mahalaga ka pala talaga sa buhay niya. Kaya lang yung iba kaya ayaw iwanan, dahil ang iniisip nila magbabago pa, di nila namamalayan ang panahon na kalabisan na ang ginagawa kaya dapat sa una pa lang may ultimatum na, kung di magbago hiwalayan na. Dadami pa ang taong manloloko. 

                 Setting: Mall, icecream shop

                 Characters: Champagne Morales and Von Carlo Delos Santos

                What are they doin? Syempre kumakain ng ice cream.

Von(V):                Chum bat antakaw mo pa din kumain ng icecream? Grabe naka-ilan ka na?? well, ikaw din namn ang magbabayad. Bakit ko nga ba po-problemahin.

Chum(C): grabe diba sabi mo tayo na? hindi ba date ang tawag ditto?? Diba pag date lalake ang gagastos?? Kaya ikaw magbabayad (sabay subo ulet ng Icecream)

V: Chum sineryoso mo agad yung sinabi ko kanina??

(silence……..)

C: ha? Ummm oo??

V (with serious sincere look to Chum): chumm may sasabihin ako sayo……

(silence…….. sa loob-loob ni Chum kinakabahan na siya kasi pag ganyan ang aura ni Von may isyung magaganap ee)

V: Chum, I seriously and honestly LIKE you. I’m sorry pala di ko tinupad ung sinabi ko sayo noon. It’s been 2 years na since that day that I promised you. Sorry di ako nakauwi kasi wala akong time, sobrang busy sa studies and pinagbabantay ako nila Mama sa Bussiness namin dun sa Manila. Sorry talaga (sabay hawak sa kamay ni Chum and eye-to-eye sila) bigyan mo sana ako ng another chance at di ko sasayangin yun. Babawi talaga ako. Just one chance Champagne.

CHUM: (grabe kaloka namn ang mga nangyayare sa araw na’to..di ko na ituu keri…. Ikaw na nagbabasa pede mo ko i-advice?? Ano kaya gagawin ko?? Paki comment naman sa baba oh ADVICE or SUGGESTION. Paki-explain na din. LABYU J)

                  -END OF ANOTHER CHAPTER-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAANO NGA BA YUNG FEELING NG MA-INLOVE ULET??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon