Continuation...
"Bestie!", sigaw ng isang familiar na boses.
OMG! Siya nga ba yung tumawag sa akin? ibig sabihin nakabalik na siya dito sa pilipinas? Hingga muna ara hingga ......
1.....
2.....
3.....
Lingon....
O.O
"AHHHHHHHHHHH! Bestie you're back!!!". sigaw ko matapos kong lingunin ang taong tumawag sa akin, tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.....
"Wait lang bestie di ako makahingga sa sobrang higpit ng yakap mo, balak mo yata akong patayin sa suffocation nyan eh", Pagrereklamo ni thomas , bahagya ko namang linuwagan yung pagkakayakap ko sa kanya.
"Sobrang na miss kita bestie, ang tagal mong nawala buti naman at naisipan mong balikan pa ako dito akala ko kasi masyado ka ng nawili sa pag-stay mo dun sa bahay ng grandparents mo sa singapore kaya wala ka ng balak umuwi ", ani ko dito.
"Talaga na miss mo ko? pano ba yan hindi naman kita na miss", Pagbibiro niya sa akin, hinampas ko naman siya ng mahina dahil dun. "Joke lang yun, pwede ba naman yun ikaw hindi ko ma miss?, of course i miss you so so so much, at isa pa kahit na mas maganda pa dun sa may singapore mas gugustuhin ko pa rin dito sa may pinas kasi nadito yung family ko at ang nag-iisang THE BEST BEST FRIENDS KO EVER!", charotera din tong bestie ko na to minsan eh nu ..
"Kailan ka nga pala dumating ?", Ako.
"Actually kani-kanina lang pero dahil na miss kita ng sobra naisipan kong dito na dumiretso", natouch naman ako sa ginawa ni bestie ko.
"Aww, nakakatouch ka naman bestie, kumusta naman yung flight mo ?",
"Maayos naman bestie, siya nga pala kamusta na sila tito and tita pati na rin si kuya jun ?", Thomas.
"Ahm Okay lang sila palagi nga nila akong tinatanong kung kailan ka daw uuwi, wala naman akong maisagot dahil ni isang text or email manlang jan wala kang pinapapadala", may halong pagtatampo ko kuno sa kanya pero ang totoo nyan kahit na deadmahin pa ako ng bestie ko hindi ko pa rin kayang magtampo or magalit sa kanya, ewan ko ba kung bakit siguro dahil alam ko namang babawi din siya kaagad.
"Sige bibisitahin ko nalang sila sa weekend na to, wag ka na ring magtampo pa jan bestie promise ko babawi ako sa'yo ngayong nakabalik na ako dito", oh see sabi ko sa inyo eh babawi kaagad si bestie eh.
"Okay sige na nga ",
"Sa dorm ka na ba ulit umuuwi or dun ka pa rin sa bahay niyo?", tanong ni bestie sa akin.
"Sa bahay na tutal malapit lang naman kasi dito yun sa may la salle eh", sagot ko.
"Ah so ibig sabihin mas mapapadalas na ang bonding natin nyan especially pag weekend?", naka-crossed arm pang tanong ni thomas sa akin.
"Yep", patango tango kong pagkakasabi .
"Nice!, btw may training pa ba kayo?", thomas.
"Wala kinancel ni coach may seminar daw kasi yung mga coaching staffs eh, tara muna dun kila daks kanina pa kasi sila nakatingin sa atin baka isipin pa nung mga yun suplada ka", naglakad na kami papunta kila daks ,nang makalapit na kami ay masigla naman siyang binati ng mga ito .