Chapter 1

415 14 3
                                    

ARA'S POV

"Hahaha daks ang engot mo naman kamay ang ginagamit sa pagsalo ng bola hindi mukha", Pang-aasar ni mika sa akin{ang college bestfriend ko},Sa mukha ko kasi tumama yung bolang ini-spike nya sa lalim kasi ng iniisip ko hindi ko namalayang sa gawi ko pala pinatama ni daks ang bola.kaya ang lola mo hindi magkadatuto sa kakatawa sali mo pa yung mga bullies.

"Sige tawa lang kayo babawian ko kayo mamaya, lagot kayo sa akin", pagbabanta ko sa kanila, deadma naman sila sa sinabi ko at patuloy pa rin sa pagtawa.naupo nalang ako sa may bench para magpahinga saglit at uminom muna ng tubig, tulala lang ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Kanina ko pa napapansin na tulala ka ah, ano bang iniisip mo at parang wala ka sa sarili mo ngayong?", pag-uusisang tanong sa akin ni cienne, nakita ko namang lumapit na rin sa aming ang tatlong bullies lahat sila ay nakatingin lang sa akin at pare-parehong hinihintay ang isasagot ko.

"Wala may naalala lang kasi ako", sagot ko sa kanila at bahagyang ngumiti sa mga ito. naalala ko kasi yung mga masasayang bagay na napagdaanan namin ng bestie ko.

"Let me guess hmmm it's about you and your bestie right?", Panghuhula ni carol about sa nasa isip ko. hmm konti nalang talaga malapit ko ng isiping nanay nito si madam auring galing manghula eh.

"Naks pano mo nalaman yun carol? may lahi ka bang manghuhula?", Natatawang tanong ko  dito, tumaas naman ang kilay nito pero si kim ang sumagot.

"Eh pano bang hindi nya malalaman yun eh puro iyon lang naman ang laman ng utak mo", May pagkairitadong komento ni ate kim."Oo nga naman ars lagi nalang yang bestie mo nasa isip mo hindi ka ba nagsasawa dun sa beki mong bestfriend? since kindergarten magkasama na kayo,kahit saan ka magpunta andun din kahit pati sa bahay nyo, kulang na nga lang sa bahay nyo na tumira yun eh ",May halong pagtatampong sabi ni daks.

"Grabe naman kayo, masama bang isipin ko palagi yung bestfriend ko eh sa miss na miss ko na sya ang tagal na rin naming hindi nagkikita simula nung nagpunta sya sa singapore", depensa ko sa mga ito nagkibit balikat lang sila sa sinabi ko at saka bumalik sa may gitna ng gym para ipaggpatuloy yung paglalaro ng volleyball.

Hay ako kaya naiisip din kaya ako ni bestie?i hope so.. 

Flashback.........

Bagong lipat lang kami dito sa manila sa pampanga talaga kami nakatira pero dahil dito na dinistino si daddy ng kompanyang pinagtratrabahuhan nya napagdesisyonan narin nilang dalawa ni mommy dito na kami manirahan para daw magkakasama parin kami at masusubabayan parin daw ni daddy yung paglaki namin ni kuya jun.

Two weeks narin ang lumipas buhat nung lumipat kami dito sa manila pero hanggang ngayon wala parin akong nakikilalang bagong kaibigan, parang ang susungit kasi ng mga neighbors namin dito sa may subdivision na nilipatan namin kaya eto ako ngayon mag-isang naglalaro dito sa may clubhouse, pumasok kasi si kuya jun wala tuloy akong ibang kalaro.

Abala ako sa pagduduyan ng may mahagip ang mga mata ko na mga batang lalaki at may kasamang isang babae na pinagtutulung ang isang kaawa-awang batang lalaki.

"Ah bakla bakla! ah hahaha", Panunukso ng isa sa mga batang mukhang sagno sa isang kawawang batang lalaki na katamtaman lang ang laki sa akin, singkit sya at medyo maputi.

"Ano tol bugbugin na natin tong baklang ito, salot naman to eh", narinig ko namang sinabi ng isa pa nitong kasama.pinagmamasdan ko lang sila sa ginagawa nila ayoko ngang makisali sa mga yun baka mamaya masira pa yung pretty face ko sayang naman diba.

Ang Bestfriend Kong Beki { THOMARA FANFICTION}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon