Chapter 22

25.7K 254 46
                                    

[VENICE]

Nauna akong pumunta sa Set. Alam nyo na kung bakit. Hindi kasi kami pwedeng magsabay ni Rave. Mahirap na.

Habang naglalakad lang ako  ako ay hindi ko naman mapigilang mapangiti. Lalong-lalo na nung madatnan kami ni Nica na magkadikit ang mga labi namin ni Rave.

Pagkaangat ko nung ulo ko ay sakto namang may sumalubong sakin, kaya nagkabungguan ang katawan namin.

"Whoops! Baby, are you okay?" tanong ni Cade sakin habang hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko para mastable ang tayo ko.

Bigla namang nawala ang mga ngiti ko sa labi at inayos ko ang sarili ko.

"O-Okay lang ako. H-Hindi kasi kita nakita." Totoo naman eh, hindi ko siya nakitang papasalubong sakin. Kakaisip kay... Iniling ko ang ulo ko at nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Hahanapin na sana kita kasi magstart na yung shooting." sabi nya nung pagkabitaw nya sa balikat ko.

Nagpilit akong ngumiti sabay sukbit sa kamay ko sa braso nya. "Let's go." sabi ko na lang at hinili ko na siya papunta ng Set.

 
Pagkarating namin doon ay abala na ang mga Staff sa pagaayos. Nakita kong inaayusan na ng Make-up Artist si Gwen. Abala naman si Director Won sa pakikipagusap sa ibang Staff. At nang maibaling ko ang tingin ko sa Wardrobe section, nandun na si Rave. Siguro sa ibang way sya dumaan kaya mas nauna siya sakin.

Napatingin ako sa hawak-hawak niya. Isang Tuxedo iyon. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng lungkot, inis at... selos?

"Come on, let's get your gowns ready. I'll get ready too." sabi ni Cade sabay hinila na nya ako papunta dun sa may Wardrobe section kung nasaan si Rave.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang tinawag na ito ng Make-Up Artis para ayusan.

"Ms. Austria, 2 gowns na po ang nandito. Ito raw po ang unang isusuot ni Ms. Yang. Tapos yung isa ay sa Wedding na nila mismo." Sabi ni Nica.

Pero natigilan ako sa pagche-check nung gowns nang marinig yung huling sinabi nya. Ano raw yun? WEDDING NILA?

"A-Ahh.. I mean Ms. Austria, sa Wedding Shoot nila mismo. Yun po." pagpapaliwanag ulit ni Nica. Hindi ko naman kailangan ng paliwanag nya. Naintindihan ko naman yung una nyang sinabi, pangit lang talaga nung dating sakin.

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy yung pagcheck sa gowns.

"So... which one am I going to wear first?" Natigilan ako sa ginagawa ko. Kahit hindi ako lumingon sa likuran ko ay kilala ko na kung sino ito.

Kaya naman kinuha ko na yung 1st gown at humarap na sakanya.

"Here's your first gown. It's a Summer Wedding Dress, so It's great for the sunlight." pagpapaliwanag ko sakanya bago ko iaabot yung gown.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon