Chapter 44

10.3K 212 17
                                    

[THIRD]

"Joe, what room number?" tanong kagad ni Rave sa kabilang linya nang masagot ito ni Joe habang palabas na ito ng kotse nya.

[6th floor Mr. Shinn, Suite Room # 6. Pinakadulo po iyon at walang masyadong tao.] 

"Okay. Got it." pagkasabi nun ni Rave ay dali-dali nitong binaba yung tawag at nag-jog kagad papasok nung Hospital.

Pagkarating nya sa loob ay kagad syang napansin ng mga tao doon. Napamura sya sa isip nya at kagad naghanap ng maipangtatakip sa mukha nya. Nahagip ng mata nya ang Magazine Stand doon, dali dali itong lumapit doon at humugot ng isang Magazine. Pagkatapos ay itinakip nya ito sa mukha nya na para bang nagbabasa bago tuluyang makapasok ng Elevator.

Habang nasa Elevator ay hindi naman mapigilan ni Rave na hindi makinig sa mga nagtsitsismisang mga babae doon.

"Grabe no? Narinig mo na ba yung balita?"

"Ano yun? Yung tungkol kay Gwenyth Yang?"

"Tomo! Sinasabi ko na nga ba eh, napaka-bitch talaga nung babaeng yun!"

Hindi na nakapagpigil pa si Rave at tumikhim ito ng malakas habang kunwaring nagbabasa doon.

Napatingin naman sa gawi nya yung dalawang babae at tinarayan lang siya nito. Hindi kasi nila makita yung mukha nya dahil natatakpan ito ng Magazine.

"Siguro si Rave ang nakabuntis dun 'no? Nababalita kasi na lumalabas talaga sila sa totoong buhay hindi lang sa harap ng Camera."

"Si Rave Shinn? Eh nung nakaraang araw lang may nakita ako sa isang social media na picture nya sa Palawan daw may kasamang di kilalang babae. Ewan ko kung bakit di kumalat yun, siguro binura kagad nung nag-post--Aray ah!"

Reklamo nung babae nang binunggo ni Rave yung balikat nito pero mahina lang naman. 6th floor na kasi at kagad na syang lumabas.

Pagkalabas nya ay dumeretso syang Nurse Station. Pagkababa nya nung Magazine ay biglang nagtilian yung mga Nurses doon.

"Ssshh.." pagpapatahimik ni Rave doon sabay tingin sa paligid. "Please, let's just make this private okay? I'm just here to visit a... friend." pabulong na sabi nya sa Nurse.

Halos ma-starstruck naman yung Nurse dun at hindi kagad makasagot. Mabilis itong tumango kay Rave. "A-Ano pong name S-Sir?"

"Austria. Venice Nadine Austria." sambit ni Rave sabay tingin ulit sa paligid. Mabuti na lang at hindi nakaagaw ng pansin ang pagtili ng mga Nurses doon.

"S-Sir.. Suite Room # 6 po. Y-Yung nasa dulo.. S-Sir pwede ano.,. Gosh nakakahiya!" kinikilig na sabi nung Nurse.

Sa isip-isip ni Rave ay alam na nya ang gusto nung Nurse. Siguro ay Autograph.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon